CHAPTER 6

53 26 0
                                    

Chapter 6 ●

"Ang ingay mo naman Max!" saway ko sakan'ya. Bakit ba naman kasi siya mag yayaya? Eh hindi naman sakan'ya ang party na iyon. 

Shemay ka Maxine.

"Oo na." sagot niya pero bakas sa muka niya ang sakit dahil sa hampas ko sa bewang niya. 

Deserve mo 'yan Maxine. Hehe.

#INVITEPAMORE

Biglaan naman pumasok ang masungit na Professor namin sa room kaya agad naman kaming nagsibalikan sa upuan at nagsitahimik. 

"Good morning Professor Espio!" bati ng buong klase. Tumango lang si professor sa amin at pumunta sa lamesa niya. 

Seryosong seryoso siya ah -Ay lagi naman pala hehe.

"Ms.Quevich." pagbanggit ni Prof. sa apilyedo ko na ikinabigla ko. Ewan ko pero parang sa tingin niya palang, mukang may galit siya sa'kin.

"Uhm, yes Sir?"

"What happened between you and Ms. Vaint?" tanong ni prof saakin. 

Argh, kailangan ko pa ba sagutin ito? Bakit hindi niya nalang tanungin si Felix?

"Sir why don't you ask Mr.Felix-" Naputol ang sasabihin ko nang hinampas ni Prof. ang table niya. Tumahimik lalo ang buong klase at nanginig naman ang dalawa kong paa.

"You are the one that I want to speak!" galit na sigaw ni Prof saakin. 

Pero bakit ba galit na galit siya?

 "Explain Ms. Quevich!"

"Why are you acting like that Sir?" tanong ko sa  kan'ya na ikinatahimik niya. 'Yung kaninang seryosong muka niya ay napalitan naman ng malungkot na muka.

Hmm? There is something that I need to know.

"Ms. Quevich-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang agad agad akong nagtanong.

"Is there something that you are hiding Sir?"

Napatahimik siya. "Let's cut it out Ms. Quevich."

Bakit gano'n ang reaction niya? Why the hell is he acting like that?

Nanahimik nalang ako at nagsimula nang magturo si Prof tungkol sa subject niya na Chemistry. Ayaw ko talaga ng Chesmistry as in, Mas bet ko parin 'yung English.

"Trish, bakit nagkagano'n si Professor sa tanong mo? Bakit napatahimik mo siya?" tanong naman saakin ni Max. Nakakapagtaka bakit nagkagano'n si Professor sa tanong ko? 

May connection ba sila Professor Espio at Rhea Vaint?

"Hindi ko din alam Max, siguro hindi niya lang alam ang isasagot niya." sagot ko. Tumango naman siya sabay bumalik na kami sa pakikinig sa lecture niya.

Habang nagtuturo si rPofessor ng chemistry, bigla namang may pumasok na teacher at isang lalaking studyante.

Bakit parang namumukaan ko siya?

"Excuse me sir, this is Mr. Lance Maveios. The transferee from Reseldas University." sabi nu'ng guro na kasama nu'ng lalaki na si Lance.

Omg! Nagbabalik siya! Ang crush kong lumipat ng school, pero hindi ko na pala siya crush. Hehe.

Tumango naman si Prof at tinuro ang upuan na uupuan ni Lance. Ngumiti sabay tango si Lance kay prof at naglakad papunta sa direksyon ng kaniyang mauupuan.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon