CHAPTER 8

41 26 0
                                    

Chapter 8 ●

Friday na at hindi kami pumasok nila Amber at Maxine, dahil dinemonyo nanaman nila ako.

Pero gusto ko rin naman ito kaya sige lang.

Atsaka sabado naman na bukas so it means na christmas vacation na namin kaya okay lang na umabsent ngayon.

And one of the best part ng christmas vacation, ay tatagal ito ng
six weeks kasi may construction na gagawin malapit doon sa library namin.

Ang unexpected kaya. Six weeks!? Ang haba haba. Kung hindi lang kasi nasira 'yung pillars na malapit sa canteen ng school. Edi sana maikli lang 'yung bakasyon. Pero okay na ring nasira hehe.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na sa first floor namin. Napatingin naman ako sa orasan at 7:03am na ng umaga. Maikli lang ang tulog ko ngayon pero okay lang 'yan kasi mas'yadong haba naman nu'ng isang araw.

Nakita ko naman si Mom sa kusina habang nagluluto ng isang masarap na umagahan —Pancake.

#GutomNaAko

"Good morning Mom." bati ko sa kan'ya sabay binigyan ko siya ng isang malaki at matamis ngiti.

"Gising ka na pala anak, maupo ka muna habang nagluluto ako," saad niya habang nananatiling nagluluto.

Aww, na-miss ko gumising nang ganito ang bungad sa harapan ko.

"Mom? Any updates from Dad?" tanong ko sa kan'ya pero hindi siya lumingon saakin.

"Anak, mag iisang linggo nang wala ang Dad mo pero wala akong ideya kung nasaan siya,"

Nasaan na kaya si Dad? May nangyari kayang masama sa kaniya?

Tumango ako habang nakaupo sa lamesa, at bigla kong naisipan na tanungin si Mom kung pwedeng ngayon na kaming pumunta sa San Reseldas.

"Mom?" tawag ko sakaniya sabay lumingon siya saakin. "Pwedeng ngayon na po tayo pumunta sa San Reseldas?"

"Gusto mong ngayon na ba anak? Kasi kung ngayon na tayo pupunta, maghahanda na ako."

"Opo Ma, ngayon na!" masaya kong tugon. Tumango naman siya at bumalik sa pagluluto niya. Agad agad naman akong umakyat sa kwarto ko para i-text sila Amber at Maxine na ngayon na kami aalis.

- Beshie, ngayon na tayo aalis ha, so please maghanda ka na para sa tatlong araw na pananalagi natin doon. Alam kong hindi ka kasi mahilig sa preparations eh.

- Maxxy, ngayon na tayo pupunta sa San Reseldas kaya maghanda ka na para sa tatlong araw nating stay doon ha. Stay beautiful.

Sinend ko na ang mga messages pero alam kong tulog pa silang dalawa ngayon kaya hindi agad nila mababasa iyon. Siguro mga tanghali na kami pupunta sa San Reseldas para makapaghanda kami nang ayos.

Bumaba na muli ako sa kusina at mukang patapos na magluto si Mom kaya umupo na ako sa harap ng lamesa.

Linapag ni Mom 'yung mga pancake sa lamesa sabay linagyan niya ito ng butter at syrup para mas maging malasa.

Looks so delisyoso!

Nagdasal muna kami ni Mom bago kami kumain ng mga masasarap na pancakes. Lagibdin naman kaming nagdadasal bago kumain. Walang kahit isang araw na hindi kami nagdasal.

Amen!

Oh 'diba, mabait talaga ako.

Kumuha ako ng kutsilyo at kumuha ng piraso gamit ang tinidor.  "Ay Ma, kasama po pala natin si Maxine mamaya."

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon