CHAPTER 13

31 11 0
                                    

● Chapter 13 ●

《 Amber Santia's P.O.V. 》

Pagkatapos namin kumain ng masarap na dinner ay agad umakyat si Beshie para ituloy 'yung librong ginagawa niya. Medyo nalungkot naman kaming dalawa ni Magazine sa sitwasyon pero nauunawaan naman namin siya. Atsaka isa pa, ako rin naman 'tong nagsabi kay Beshie na sumulat ng libro eh.

Nagiging unti nalang ang oras niya sa amin huhu.

Nandito naman kami ni Maxine sa balkonahe ng mansyon para mag star gazing sa mga beautiful na bituin. Lowbat din naman kasi ang phone namin kaya wala kaming libangan.

"Boring naman Amber," pag iinarte niya habang nakasandal sa upuan niya. Anong boring? Ang sarap nga sa feeling eh.

"At ano namang boring sa pag i-star gazing ah? Ang saya nga." say ko sakan'ya na nag iinarte sa upuan niya. 

"Edi kung nab-boringan ka, ang beautiful face ko nalang ang pagmasdan mo," dagdag ko sabay tinuro ang muka ko.

Napatingin naman siya saakin at tinakpan ang bibig niya. "Yak!"

Tumayo ako sa chair ko at humarap ako sakan'ya. Hinawakan ko naman ang magkabilang bewang para mag mukang war-freak

Pero hindi talaga ako gano'n syempre.

"For your information, maganda talaga ako. Inside and outside," proud kong say sakan'ya. Napatulala lang si Maxine saakin. 

Mangha na naman ba siya sa ganda ko?

"Tang*nang muka 'yan." pagmumura niya habang nakatingin sa muka ko. 

Grr! Ano? Tang*na ng muka ko?! This is way too much!

At katulad ng lagi kong ginagawa pag naiinis ako, ay agad akong lumapit kay Maxine para saktan siya pero tumakbo agad siya palabas ng mansyon. 

Agad ko naman siyang sinundan at naabutan ko na nakatayo lang siya sa tapat ng mansyon at nakatingin sa madilim na kalsada. Ang tanging light lang dito ay ang tindahan na hindi kalayuan dito sa mansyon at ang liwanag ng moon. 

"Ang lamig naman." inarte niya pa habang nakayakap sa sarili niya.

 Puro arte itong babaeng ito ah? Edi mag jacket siya!

"Gusto ko ng yakap ni Lance," malanding say niya pa. 

Ay ang landi naman talaga, yakap ang gusto at hindi jacket.

"Ang landi mo naman Magazine." sabat ko sakan'ya kaya napangiti naman siya. 

Feel na feel ang kalandian ha?

"Baliw! Hindi ako malandi, sadyang gusto ko lang ang katangian ni Lance 'no!" say niya saakin sabay tumingin siya sa mga bituin. 

"Ang bait niya, maginoo, may respeto at. . ."

At ano?

"Gwapo." pagpapatuloy niya sabay kinilig ang malanding si Magazine. 

Ay talaga naman oh. Mas gwapo pa kaya si baby Lukas!

"Landi naman," mataray kong say sakan'ya sabay hinampas ko siya sa balikat niya kaya napa aray siya. 

Hinimas himas ko yung balikat ni Maxine baka kasi napalakas talaga 'yung hampas ko sakan'ya. 

"Lakad lakad muna tayo Amber?" pagyayaya ni Magazine saakin. Gusto ko din naman kaya diretso tango nalang ako sakaniya at nag start na kami maglakad.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon