CHAPTER 25

0 0 0
                                    

● Chapter 25 ●

"Bye Trish," mahinang paalam ni Harrison sa akin nang maihatid niya na ako sa tapat ng mansyon.

"Thanks," nginitian ko siya. Pumihit na ako patalikod at nagsimula nang maglakad papasok sa mansyon. Napahinto naman muna ako sa paglalakad para tignan kung umalis na siya. Pero pagkatalikod ko.

Wala na siya.

Siguradong nabigla lang 'ata siya sa pagsigaw ko sa kaniya kanina. Dagdag pa do'n 'yong pag sigaw ni Winona sa kaniya habang nasa apartment kami.

Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi ng Harrison na 'yon.

Binuksan ko ang pinto ng mansyon at agad pumasok. Naabutan ko naman sila Amber at Maxine na nakaupo sa sofa habang nakatutok sa T.V. Na sa sobrang tutok, hindi nila ako napansin na nakatayo malapit sa pinto.

Mukhang kinikilig din naman ang dalawang baliw habang nanonood sila ng isang pelikula na Romance.

Shete, anong ginagawa nila dito sa sala at hindi nila hinahanap ang libro ko?

"Ehem ehem," pag-uubo ubuhan ko para mapansin nila ako. Mga manhid kasi itong dalawang 'to eh. Obvious naman na pumasok ako pero mukhang wala silang pake.

Napaharap naman sa akin ang dalawang yawa na babae. Gulat na gulat sila nang makita ako, kulang nalang 'ata lumuwa ang mga mata nila.

Bulag kayo 'no?

"U-Uhm, hi beshie."

"Oh hello Trish." sabay nilang bati sa akin.

Nag crossed arms naman ako sabay pinagtaasan nila ng kilay. Kahit na hindi ko na sabihin ang dapat kong sabihin. Mage-gets na nila 'yon.

"Eh kasi. . ."

"Hindi talaga namin nahanap," dugtong ni Maxine.

"Paano niyo mahahanap eh tutok na tutok kayo sa panonood ng halikan ng Kathniel." saad ko habang nakabaling ang tingin sa TV.

Sabay naman na tumingin ang dalawa kong kaibigan sa TV at tumili sila nang sobrang lakas.

"Emegesh!"

"Whaaa!"

Napatakip tuloy ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili nila. Hindi naman sila ganito kiligin dati, pero parang nagbago simula nang nagkaroon sila ng kaniya kaniyang lovelife.

"Tse! Hanapin niyo 'yon ha," sabay agad akong naglakad papunta sa kusina. Doon kasi lagi tumatambay si Mom at gusto ko lang siyang tanungin kung kailan ang bisita ni Dad dito.

Nang makarating ako sa kusina, nakita ko na agad si Mom na kasalukuyang nagla-laptop. Mukhang seryosong seryoso naman ang mukha niya habang nagtatype.

Ilang araw nag leave si Mom para sa trabaho niya, kasi nga magbabakasyon kami dito sa San Reseldas. Pero bakit parang nagtatrabaho kahit bakasyon na?

"Good afternoon Mom," bati ko sakaniya.

Hinawi naman ni Mom ang buhok niya bago tumingin sa akin. "Oh anak? Saan ka nga pala galing?" tanong niya sabay ngiti.

Ang ganda talaga ni Mom.

She's around 50+ years old pero mukha talaga siyang bata.

Argh!

Hindi ko tuloy alam kung nagmana saakin si Mom or ako ang nagmana sakaniya.

Ang gulo!

"Busy parin po ba si Dad? Makakapunta na po ba siya agad?" sunod sunod kong tanong. Naaalala ko kasi 'yong message ni Dad kay Mom na maybe after two weeks makakasunod na agad siya dito. Oo wala pa namang two weeks, pero excited lang talaga ako makita ulit si Dad.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon