CHAPTER 19

22 3 2
                                    

● Chapter 19 ●

《 Trisha Quevich' P.O.V.

Gabi na ngayon at kanina pa ako napapa-isip kung nasaan na sila Amber at Maxine. Maghapon na rin daw kasi silang wala dito sa mansyon at walang may alam kung nasaan na ang dalawang babaeng 'yon.

#MgaGala

Wala din naman akong ideya kung saan sila pumunta kasi nga, hindi ko din naman sila nakakasama dahil sa sobrang pagkabusy ko sa pagsusulat ng k'wento.

Dahil nga sa sobrang focus ko sa pag susulat, siguradong bukas na bukas ay matatapos ko na ang librong ito. Ending nalang ang susulatin ko then tada! Tapos na ang k'wento. Sabay gagawa nalang ako ng simpleng cover na kulay black at may title na "My Dream Love Story".

It sounds like a normal title, but wala na akong pake. Ang importante dito ay ang linalaman ng libro. Hindi na "Don't judge a book by its cover"  but "Don't judge a book by it's title".

Lupit ko mag-isip ng kabaliwan 'no?

Lumabas nalang ako ng kwarto ko para pumunta sa kusina. Sigurado namang may mga pagkain nang nakahanda doon kasi nga oras na ng hapunan.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso na ako sa kusina at laging pagtataka ko nang maabutan ko si Mom na nagluluto palang. 

"Mom?" sabay naglakad ako papunta sakaniya. Humarap naman si Mom saakin at nginitian ako. 

"Yes anak? Gutom ka na ba?"

"Ay hindi pa naman po, pero Mom, bakit ngayon lang po nakapagluto?"

Hindi naman kasi ganitong oras nagluluto si Mom eh. Usually, mga 30 minutes before dinner siya nagluluto kaya nakakapanibago lang na nagluto siya kung kailan dapat hapunan.

"Tinulungan ko kasi ang Lola Shaina mo para ipahanap sila Amber at Maxine doon sa police station kanina, pero wala pa ring balita hanggang ngayon. Saan naman kaya nag-punta ang dalawa mong makulit na kaibigan?" 

Oo nga, where did they go? Sana naman ay ayos lang ang dalawa kong kaibigan. Hindi p'wedeng may mangyari sa kanilang dalawa. Sigurado naman ako, wala silang lakas ng loob mag-gala nang ganitong oras dahil alam nila kung gaano ka-higpit ang mga pulis dito tuwing gabi.

Pero wait, sa pagkaka-alam ko, sasama sila ngayon kay Lance para pumunta sa abandonadong bahay. Shemay!

"Mom wait," Mabilis akong naglakad palabas ng mansyon. Pero bago makalabas ng mansyon ay napadaan ako sa sala. Nakita ko sila Lola Shaina at Lolo Limuel na tutok na tutok sa T.V. habang may pinapanood na isang balita ; balitang tungkol doon sa motorcycle gun man.

Dahil na curious ako sa balita na iyon, ay saglit akong napatigil  sa paglalakad at nakinood sa balita.

"Ang motorcycle gun man na pumatay sa maraming pamilya sa loob ng San Reseldas ay nahuli na ng mga pulis at kasalukuyang nakakulong sa isang pribadong na kulungan," pagbabalita ng reporter habang naka-labas ang sa screen ng T.V. ang litrato ng lalaking may mahabang buhok.

"Mabuti na 'yan sa kaniya, jusko, napaka-makasalanan niya," galit na boses ni Lola Shaina.

"Sarap bangasan sa ngipin ng lalaking iyan." sumbat naman ni Lolo.

Sigurado akong George Hullet ang pangalan ng lalaking iyan. Siya 'yung lalaking nakita namin sa I.D. na dinala nila Amber.

Ewan ko rin ba kung ano ba itong naiisip ko, pero posible kayang lumabas si George Hullet mula sa librong binasa ko? Argh. Imposible 'yon.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon