CHAPTER 14

31 10 0
                                        

● Chapter 14 ●

《 Trisha Quevich's P.O.V. 》

Nagta-type lang ako sa typewriter habang tahimik lang na nanonood si Maxine saakin. Siguro na-astigan siya lang siya kasipagan ko o baka naman gusto niya lang ang tunog nitong typewriter.

#ManghaKananaman?

"Naka ilang punit ka na ng papel diyan Trish?" biglang tanong niya saakin sabay tinigil ko ang pagta-type at lumingon ako doon sa ilalim ng kama ko.

"Tignan mo 'yung kahon na 'yon." utos ko sakan'ya. Ngumiti siya saakin sabay dahan dahan kinuha 'yung kahon sa ilalim ng kama ko. 

Hehe, magugulat ka nalang Maxxy.

"Buksan mo," utos ko sakaniya at binuksan niya 'yung kahon. 

Boom! Gulat ka 'no?

Hindi naka imik si Maxine nu'ng makita niya ang sari-saring mga papel na puro palpak. Kitang kita ko naman sa muka niya na hindi siya makapaniwala na ang dami ko agad na nasayang na papel. 

"Ang dami naman," sabi niya habang kinukuha niya isa isa 'yung mga papel. 

"Gan'yan ka ba ka-t*nga mag type?" Natatawa niyang tanong saakin.

"Aba, sinong tanga?" Tumayo ako sa upuan ko.

"Joke lang eh, parang t*nga." natatawa niyang pagkasabi.

Ano daw? Parang t*nga?!

"Parang t*nga ba 'kamo?" tugon ko sabay inakma ko siyang sasampalin nang makita ko si Amber na titig na titig saamin at para siyang nakakita ng kakaibang bagay.

"Beshie?" pagtawag ko kay Amber pero nananatili parin siyang nakatitig saamin.

"N-Nakita ko siya," nauutal niyang sabi. 

Huh? Sinong nakita niya? Si Lukas?

"Huh? Sinong nakita mo?" tanong ko naman. Nanginginig siya at parang takot na takot kaya agad lumapit si Maxine sa kaniya at hinawakan ang kamay ni Amber.

"Sinong nakita mo?" tanong naman ni Maxine kay Amber na nanginginig. What is her problem?

"Yung k-killer. . ." nanginginig niyang sagot kaya parang nagtaka si Maxine.

"Ano? 'Yung bumaril sa lalaki kanina?" tanong nito kay Amber at tumango ito.

'Yun ba yung naka motor na sinasabi saakin nila kanina? 'Yung lalaking mahaba ang buhok at ang pangalan ay George Hullet?

"Yung naka motor ba na sinabi niyo saakin kanina?" tanong ko naman at tumango si Amber. Pero bakit kaya parang mukang takot na takot siya?

"Pero bakit ka kinakabahan?"

"N-Nakatitig siya saakin" sagot niya sa aking tanong.

Ano? Nakatitig sa kan'ya?

"Sa'yo ba talaga mismong nakatitig? Sigurado ka?" tanong naman ni Maxine. Tumango naman ito at nananatiling nanginginig.

"H-Hindi k-kaya. . .Nakita niya tayo kanina sa damuhan?" kinakabahan na tanong ni Amber.

Masiyahing tao si Beshie pero ngayon ko lang siyang nakitang nanginginig sa takot.

"Amber, kung nakita niya tayo doon sa damuhan, edi sana pinatay niya na agad tayo," sagot ni Maxine sabay hinawakan niya si Amber sa balikat. 

"Baka ibang tao lang iyong nakita mo, kaya wag mo na isipin iyon." dagdag pa nito.

Man From The Book | ON - GOING |Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon