CHAPTER 24

2 0 0
                                        

● Chapter 24 ●

"Don't you really remember me Trish?" kanina niya pa ito tinatanong sa akin. Tinatanong niya kung hindi ko ba daw talaga siya naa-alala. And I'm telling him the truth.

The truth that I didn't even know him.

Wala naman akong maalala na nagmeet na kami, wala din akong maalala na close kami, at higit wala akong maalala na boyfriend ko siya.

Sigurado din naman akong hindi niya ako pinagtitripan, kasi ramdam ko talaga na seryoso talaga siya. Pero baka magaling lang talaga siya mag drama.

Ewan ko! Naguguluhan na ako!

Nakaupo kami ngayon ni Harrison sa ilalim ng malaking puno na malapit Reseldasian River. Maaliwas ang hangin na malalanghap mo. Kakalma ang utak mo dahil sa katahimikan. Sobrang ganda ng tanawin, at para bang nasa isa kang paraiso.

Dinala niya ako dito 'pagka-tapos niya mag-football. Dito daw siya magpapahinga para daw mas maaliwalas ang simoy ng hangin.

"Please remember me," bakas sa boses niya ang pagkalungkot. Dahan dahan ko namang nararamdaman na hinawakan niya na ang kamay ko. Iiiwas ko sana ito, pero wala na akong magawa nang magsalita ulit siya.

"J-Just let me hold you hand. . . Even just for a while," napatingin ako sa mata niya. Namumuo nanaman ang mga luha sa mata niya. Sigurado akong nasasaktan talaga siya, pero hindi ko alam ang gagawin. Gusto niyang maalala ko siya pero hindi ko talaga siya maalala.

"H-How could you just forget everything?" nauutal na tanong niya kasabay ng pag-nginig ng kamay niya. "Please stop joking Trish, it hurts,"

Hindi ko alam kung anong sasabihin sakaniya. Nakokonsensya tuloy ako, kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit umiiyak siya ngayon.

What am I supposed to do?

"Hindi talaga kita kilala, pasensya na. Simula kanina, nu'ng lumantad ka sa harap ko. Wala akong ideya kung sino ka, seryoso. I don't even know u," sabay yumuko ako. Ayaw ko lumingon sa mukha niya. Baka kasi biglang tumulo ang luha niya at hindi ko kayanin. Nag-guilty ako.

Oo, hindi ko siya lubusang kilala. Pero I still care about his feelings.

"I only left for three months. Just three months Trish. Sabay pagkabalik ko? Hindi mo na ako kilala? Sh*t." narinig ko ang paghikbi niya na ikinalungkot ko.

Umiiyak nanaman siya.

"I-I'm sorry, kahit anong iyak mo diyan. Wala akong magagawa. Hindi talaga kita kilala,"

Naramdaman ko namang tumingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya. Namumula ang kaniyang mga mata, at nababakas dito ang lubusang pagkalungkot.

Bumitaw siya sa kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. Naramdaman ko namang basa ang kanang kamay niya, dahil sa pagpunas niya sa mga luha niya kanina.

"If you can't remember me, then let me court you again,"

Natulala naman ako sa kaniya at wala sa sariling napatango. Bahagya naman siyang ngumiti sabay yinakap niya ako. "Thank you Trish."

Pumayag ako magpaligaw kay Harrison. Mukha naman siyang mabait, marespeto at maginoo kaya ayos lang para sa akin. Atsaka mukhang kaya niya namang maghintay habang kinikilala ko pa siya.

And speaking of "Ligaw", naalala ko si Matthew Wilson na ayaw akong tantanan na ligawan. Buti naman at hindi ko siya sinagot. Buong akala ko talaga ay bumait na siya. Pero sinong mag aakala na mas demonyo pa pala siya sa demonyo?

Man From The Book | ON - GOING |Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon