CHAPTER 26

3 0 0
                                    

● Chapter 26 ●

"Mga ate, bili na po kayo ng sampaguita ko! Mura lang po pero mabango!" Nakangiti ang bata sa amin habang nagbebenta ng sampaguita. Hindi siya pulubi pero mukhang naghahanap buhay para makatulong sa pamilya.

"Dahil maganda po kayong tatlo. 30 pesos nalang po para sa tatlong sampaguita." dagdag niya pa.

Bakit nagsisinungaling ang bata? 'Diba ako lang ang maganda?

"Bibilhin ko lahat ng sampaguita mo, 'pag sinabi mo kung sino ang pinakamaganda sa amin." Nginisian ni Amber ang bata. Linabas niya naman ang bulsa niya sabay kumuha ng two hundred.

"Hmm, sino kayang pinakamaganda sa'tin?" sabay ngisi ni Amber.

Hayst. . . Amber Santia sumosobra ka na.

"Siya po!" sabay tinuro ng bata si Maxine.

Namuo naman ang gulat sa mukha ni Amber nang ituro ng bata si Maxine. "Huh? Bakit si Magazine ang tinuro mo?"

Oo nga, dapat ako ang tinuro niya.

"Mas nanaiisin ko po na magsabi ng katotohanan, kaysa magsinungaling para sa pera,"

Oh shemay! Oof size increased.

"Hindi na nga ako bibili-"

"Bibilhin ko na lahat beh," Naglabas si Maxine ng five hundred mula sa wallet niya at inaabot sa bata. "Keep the change,"

"Thank you po ate ganda! Crush na po kita dahil mabait ka," sabay ngiti ng bata. Inabot naman ng bata ang lahat ng sampaguita.

Ang cute ng bata, ang sarap pisilin ng pisnge.

"Hahaha, ang cute cute mo! Magpakabait ka ha?" sabay ginulo ni Maxine ang buhok ng bata.

"Opo ate ko," sabay ngiti. "Pero ano pong pangalan mo?"

"Maxine Herera," sabay lumingon si Maxxy sa amin. "At sila naman ang mga kaibigan ko, si Amber Santia at Trisha Quevich."

Lumingon din naman ang bata sa aming dalawa ni Amber. "Hi po ate Amber at ate Trisha!"

Argh, ang cute cute niya.

"Gusto ko po maging ate kayong tatlo," napangiti naman kaming tatlo sa bata.

"Aww, wala ka bang ate?" nakangusong tanong ni Maxxy sa bata. Napayuko ang ulo ng bata at hindi makasagot.

"Beh, okay ka lang?" Hinawakan ni Maxxy ang balikat ng bata. "Beh?"

"P-Patay na po eh. P-Pinapatay p-po." utal utal na sagot ng bata. Naririnig din namin ang paghikbi na mula sa sa kaniya. Naiyak siya.

Nagulat ako sa binitawang salita ng bata.

"Pinapatay po,"

Wtf?

"Sorry beh, dapat pala hindi na ako nagtanong." sabay yakap niya sa bata na naiyak.

"O-Okay lang po."

Hinimas himas naman ni Maxine ang likod ng bata para agad na tumahan ito. "Kami ang magiging ate mo okay? Kaya tahan na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon