CHAPTER 10

43 23 0
                                    

Chapter 10 ●

"Mama! Huhu!" pang batang sigaw ni Amber at bigla naman siyang yumakap sa braso ko nung makita niya ang abandonadong bahay dito sa San Reseldas.

Kahit ako ay natatakot dahil sa itsura ng bahay na ito pero nananatili parin akong kalmado habang ito'y pinagmamasdan ko. Nakatitig lang din si Maxine dito at para bang hindi siya natatakot, at si Amber naman ay nakapikit habang naka yakap sa braso ko.

Takot ka nanaman Besh?

"Trish, ang layo natin sa mansyon," kalmadong tugon ni Maxine sabay lumingon siya doon bandang kanan namin at nakita sa 'di-kalayuan ang mansyon nila Lola Shaina.

Matatagalan kaming makabalik 'pag naglakad kami.

"Kung mag stay kaya muna tayo dito?" suhestiyon ni Maxine na ikinagulat naming dalawa ni Amber.

What the-? Mag i-stay kami sa nakakatakot na bahay na iyan?

"No no no," Hindi pag sang-ayon ni Amber sabay umiling iling siya habang nakapikit.

Kahit ako din ay hindi payag,dahil hindi kami p'wedeng mamalagi dito sa bahay na ito.

"Baka mapano pa tayo kapag nagkalad pa tayo sa madilim na kalsada na iyan pabalik sa mansyon," wika ni Maxine. Hmm? May point siya, kasi baka nga mapahamak pa kami lalo na at malalim na ang gabi.

Napalingon naman kami doon sa bandang kaliwa ng kalsada dahil may naririnig kaming yapak ng paa at may ilaw na nagmumula ata sa isang flaslight.

Oh shet, ano kaya iyon?

"Trish, anong gagawin natin?" bulong na tanong ni Maxine saakin. Nananatili parin si Amber na nakayakap sa braso ko habang nakatingin doon sa ilaw.

"Magtago na tayo dali," bulong kong sagot sakaniya.

Pero saan kami magtatago?!

"Pero saan-" Hindi natuloy ni Maxine 'yung tanong niya nang agad pumasok si Amber sa loob ng abandonadong bahay.

Ang tapang naman ng baliw na ito.

Sinenyasan ko si Maxine na sumunod na kaming dalawa kay Amber sa loob, baka kasi makita kami nung taong iyon. Baka tanod iyon o baka naman police, or baka naman,

Isang murderer!

#ShetI'mSoScared

Nagtago na kami sa loob ng abandonadong bahay, hindi naman gaano kadilim dito dahil sa binibigay na liwanag ng buwan at mga bituin.

"Psh!" saway ni Amber sabay lagay ng isang daliri niya sa harap ng labi niya.

Naririnig naming palapit nang palapit ang yapak ng taong iyon kaya mas kinakabahan na ako lalo ngayon.

Pero mas nabigla kaming lahat nu'ng sinimulan tumapak ng taong 'yon sa parte ng bahay at mukang papasok ito. Ang masama pa ay, WALANG PINTO ANG BAHAY NA ITO!

Kita naming sumisinag 'yung ilaw ng flashlight sa loob ng bahay at biglang nagsalita ang misteryosong lalaking iyon.

"Is there somebody?" boses lalaki ang nagtanong at parang pamilyar ang boses nito.

Uhm? Lance? Is that you?

"WHA!" sigaw ni Amber sabay may narinig kaming nag crack na kahoy. Narinig naming bumagsak si Amber sa baba.

Agad agad pumasok 'yung lalaki dahil sa pagkagulat niya. "What was that?!". Nakita naming dalawa ni Maxine ang muka ng lalaki at. . .

Confirmed. Si Lance nga siya.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon