CHAPTER 11

30 15 0
                                    

Chapter 11 ●

Lumapit si Lance sa typewriter na kinakalikot nila Amber at Maxine. Hinawakan niya ito at pinagma-masdan masdan.

Bakit parang mukang interesado siya dito?

"Bakit parang interesado ka sa bagay na 'yan ha?" tanong ko sakan'ya habang ino-obserbahan niya iyong typewriter. Napahawak naman siya sa baba niya at para bang may iniisip na malalim.

"The first classic printer was invented at the year 1938, while the first typwriter was invented at the year 1868." biglang pagbigay niya ng impormasyon.

Kala ko sa sayaw lang siya magaling, pati pala sa history ng mga printer. Hehe.

"I am sure that the mysterious writer used this typewriter to write the book of The Great Disaster." dagdag niya pa kaya nabigla kaming tatlo.

"Paano mo nalaman? Gulaman?" pagbirong tanong ni Amber. Linibot naman muli ni Lance ang tingin niya sa typewriter bago sumagot.

"Back in the year 1988, printers are very rare to see at San Reseldas. So there is no other way of making a single book by using a typewriter," seryosong sagot niya sabay tumingin saamin.

Tumango nalang kaming tatlo kasi baka tama naman talaga ang haka haka niya. Wala din naman kasi kaming alam eh, kaya go lang hehe.

"Pero ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng 'A.Q.'?" tanong ko naman.

Nagtaas balikat muna siya bago sumagot. "For now, I have no idea. But now, magpahinga muna kayong tatlo. Good night and sweet dreams ladies,"

"Matutulog na agad?" nakangusong tanong ni Amber saamin. Gusto niya 'ata magpuyat.

"Oo bakit? May angal ka?" sabat ko sakan'ya sabay humiga na agad siya sa kama.

Ay inaantok na nga talaga siya.

"Tara na Trish, kailangan natin makabalik agad bukas." sabi naman ni Maxxy sa akin. Tumango namna ko sakan'ya at  humiga na kaming dalawa sa tabi ni Amber.

Ipinikit ko na ang mata ko nang bigla naman akong tanungin ni Maxine. Isang tanong na hindi ko inaasahan na itatanong niya. First time ever in our life na nagtanong siya.

"May girlfriend kaya si Lance?"

Napamulat ako at tumingin kay Maxine na nakapikit pero nakangiti. Halata sa ngiti niya na nagpapantasya siya kay Lance.

"Hoy Max, ano ano iniisip mo ah?" sabat ko kay Maxine kaya napamulat siya sa pagkakapikit niya. Tumingin naman siya saakin sabay ngumiti.

"Wala namang masama 'diba? Ang gwapo kaya ni Lance. Matalino, mabait at isa pa gentleman," sabay ngumiti siya.

Umupo naman bigla si Maxine sa kama at tinitigan niya ako. "Ay bakit? Gusto mo si Lance 'no? Yie, humanap ka nalang ng iba baliw,"

Hindi ko na gusto 'yon 'no, mga 30% hehe.

Humiga siya kaya humiga nalang din ako at nagsimulang matulog. Pero mga ilang oras na akong nakapikit pero ayaw talaga ako dapuan ng antok. Bwiset, ano bang kailangan kong gawin? Uminom ng gatas?

Tulog na sila Amber at Maxine kaya tumayo muna ako para lumabas ng kwarto. Nakita ko si Lance na nakahiga doon sa matigas na mahabang upuan.

Ayos lang kaya siya diyan?

Hindi ko alam kung anong oras na kaya sumilip ako doon sa may butas na pinasukan namin papunta dito sa basement. Wala pa talagang liwanag, siguro mga 11PM palang ng gabi. Maaaga pa naman kaya magpapaantok muna ako.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon