CHAPTER 9

37 24 1
                                    

Chapter 9 ●

Saglit lang kaming nag-gala gala nila Amber at Maxine kaya hindi pa namin masyadong nalibot itong buong bayan. Tanging mga maliliit na tindahan at 'yung abandonadong bahay lang nakita namin. Atsaka isa pa, tanghali ngayon kaya mainit pa. Siguro mga mamayang hapon nalang namin ipagpapatuloy ang pag gagala namin.


Bumalik na kami sa mansyon para kumain ng tanghalian at para makilala ko pa lalo sila Lolo at Lola. Video calls at phone calls lang din lagi ang paraan para makausap ko sila dati eh at ngayon nandito na ako para makilala sila nang personal.

Nakapasok na kami dito sa malaking sala at manghang mangha kaming tatlo sa nakikita namin. Hindi ko inasahan na ganitong interior ang bubungad saamin.

"Wow!" Bumabakas sa muka naming tatlo ang pagkamangha nang nakita namin ang magandang sala.

Kita namin na may malaking chandelier sa gitna at may mga sofa din para sa mga bisita. May lamesa din ito sa gitna at may flower vase na mukang mamahalin dahil sa ginto nitong kulay.

"Ang yaman ng Lolo't Lola mo Trish," sabi ni Maxine saakin at hindi ko siya napansin dahil nakatuon parin ang tingin ko sa magandang mansyon na ito.

Bigla namang may lumapit na kasambahay saamin at may suot itong kulay pink na cap. "Ma'am, sumunod po kayo saakin,"

Tumango naman kami at sumunod sakaniya na naglakad papunta sa isang direksiyon. Sumunod nalang kami nila Amber at Maxine sakaniya at binuksan niya yung isang pinto. Pagkabukas niya nito ay nakita namin ang isang mahabang lamesa at nakapwesto doon sila Lola, Mom, at si Tito Miguel.

Nasaan kaya si Lolo?

Napalingon sila Lola saaming tatlo at binigyan ng matamis na ngiti. "Mga hija, kakain na tayo,"

Ngumiti din naman kami at agad agad naman kaming nagsi-upo sa mga kahoy na upuan na mukang gawa sa isang sikat na furniture workshop.

"Oh sino ang magdadasal?" tanong ni Mama at tinitigan naming lahat si Amber kaya para itong nahiya.

Kawawi naman ikaw.

"Ako na nga, ehe," pag iinarteng sagot ni Amber sabay nag sign of the cross muna siya bago yumuko.

Sana hindi siya matawa.

Nagdasal naman si Amber at ang meaningful naman ng dasal niya kaya walang kontra kahit natatawa siya minsan.

#GoodGirl

"Amen!"

Natapos na kaming mag dasal at sinimulan nanaming kumain ng masasarap na putahe. Kumuha ako ng kutsara at tinidor sabay kumuha ako ng kanin.

Diet talaga ako sa totoo lang. Chos, ang sexy ko sabay diet? No way.

Pagkatapos ko kumuha ng kanin ay nakita ko 'yung adobo na malapit sa pwesto ni Amber.

Omg, mapaparami ang kain ko ah. Target ko talaga adobo eh.

Kumuha ako ng Adobo kay Amber at natigilan ako nang biglang nagsalita si Tito Miguel.

"Ay ikaw ba si Teresa? Kamusta naman kayo ni Alonso?" tanong niya kay Mom.

"Sinong Alonso?" Kumunot ang noo ni Mom.

Sino ba kasi 'yung Alonsong iyon?

"'Kung 'di ako nagkakamali, naging mag-asawa na kayo ng dati kong kaibigan. Si Alonso Quevich." sagot ni Tito Miguel kaya halos magsalubong ang kilay ni Mom sa sinabi nito.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon