CHAPTER 23

1 0 0
                                    

● Chapter 23 ●

Ewan ko ba, pero may kakaiba talaga akong nararamdaman sa lalaking ito eh. Bakit parang kilalang kilala ko siya pero hindi naman talaga? Yawa ang gulo ko!


Hawak-hawak ngayon ni Harrison ang kamay ko habang nasa tapat kami ng cashier. Pero habang nasa cashier kaming dalawa, naririnig ko ang mga malalakas na bulungan ng mga bwiset na babae.

I am sure na ako iyong pinagbubulungan nila.

"Jowa niya ba 'yan? Ang panget. Hindi bagay sa gwapong tulad niya."

"Sis, ang gwapo ng lalaki sabay 'yung babae. Oh, nevermind."

"Dapat ako nalang eh, mas maganda pa ako sa babaeng 'yan eh,"

Hindi ko nalang sila pinansin. Umirap din ako kahit hindi nila ako kita.

Lalakas naman nila magsabi ng gan'yang bagay, bwiset.

Matapos ang ilang segundo, dumating na 'yong isang staff na may dalawang cup ng Strawberry Ice Creams. Inabot naman ito ni Harrison sabay nagpasalamat sa staff.

Hawak parin ni Harrison ang kamay ko sabay hinila ako niya ako papunta sa isang table na walang sino man ang nakaupo.

Pero bago pa kami makarating sa lamesa, may narinig akong bulong sa kaliwa ko na ikinainis ko talaga.

"Ang panget naman ng girlfriend ni kuya pogi,"

Sa sobrang pagkainis ko, hindi ko na napigilan na sigawan iyong babaeng nasa kaliwang side ko. Naka white t-shirt sabay may maikling short.

"Atleast girlfriend niya ako, eh ikaw? Panget na nga, wala pang boyfriend!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat.

#Tide

Napaharap ako kay Harrison at tumambad sa akin ang gulat na gulat niyang mukha. Nagulat lang din 'ata siya dahil sa biglaang kong pag sigaw sa pisteng babae. 

Mga laitera kasi! Hindi lang nila tanggap na may gwapo akong kasama eh- wait? What did I just said?! Anong gwapo? Dzuh, walang gwapong lalaki ang nanghahalik bigla.

"Trish, that was-" hindi ko na pinatuloy si Harrison sa pagsasalita nang mabilis ko siyang hinila palabas ng restaurant. Alam ko kasing mababadtrip lang ako kumain kung maririnig ko ang mga bulungan ng mga babaeng iyon.

Piste.

Nang makalabas kami ng restaurant, agad ko namang binitawan ang kamay niya. Humarap ako kay Harrison at mukhang gulat parin siya sa mga kinilos ko.

"Then, where we're going to eat?" tanong niya saakin.

Hmm? Saan kaya? Eh wala naman akong alam na p'wede naming pagtambayan namin eh.

"Argh! Hindi ko alam kaya uuwi nalang ako-"

"Okay, I already know where," nginitian niya naman ako sabay agad na hinawakan ang kamay ko.

I don't know exactly what to feel right now, but my heart beats so fast when he held my hand. Punyeta, uuwi na dapat ako eh!

Nagsimula na ulit kaming maglakad, hanggang makarating kami sa isang malaking field.

A Football Field. 

First time ko makita ang field na ito, kasi hindi naman ako naigala nila Amber at Maxine dito.

Maraming naglalarong mga players dito habang suot ang iba't ibang klaseng jerseys. 'Yung ibang jersey naman ay may mga apilyedo sa likod - 

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon