Chapter 1: Head Elites

2.1K 115 16
                                    

*Avon's POV*

Naiangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko ng marinig ko ang tunog ng papabukas na pinto. Mabilis akong umalis mula sa pagkakasandal sa pader at nagmadaling kumubli sa kabilang pasilyo. Ng marinig ko ang mga papalayong yabag ay saka ko sumilip at tiningnan ang mga Higher Elite ng Lumiere.

Wala sa kanila ang dating sigla at biruang nakasanayan ko na.  Bagkus ay laglag ang mga balikat nila habang papalayo sa silid na nilabasan nila.

Maging ako ay tila nanlumo sa nakita at malungkot na tiningnan ang silid di kalayuan sa akin.  Ng tuluyang mawala sa paningin ko ang mga Higher Elites ay saka ako umalis sa pagkukubli ko at marahang tinungo ang silid.

Sandali akong natigilan sa harap niyon bago ko itinaas ang kamay ko para kumatok sa pinto. Ngunit nasa kalagitnaan palang ay huminto iyon.  Napabuntong hininga ko at ibinaba ang nakakuyom na kamay ko.  Wala rin namang mangyayari kung kakatok ako.  Alam ko rin naman na walang sasagot sa loob para papasukin ako.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit iyon pabukas.  Pagkatapos ay maingat kong itinulak ang pinto at sumilip sa loob.

Agad na bumugad sa akin ang malinis na amoy ng silid.  Gaya ng amoy ng mga clinic o hospital.  Pagkatapos ay ang banayad at ritmikong tunog ng machine sa loob.

Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng silid at ng makita kong walang tao ay saka ako nagpasyang pumasok ng tuluyan.

Maingat ko ding isinara ang pinto at dahan dahang lumapit sa taong nakahiga sa nagiisang kama roon.

Huminto ako sa tabi niya at pinagmasdan ang natutulog paring mukha niya. Walang pinagbago mula ng una ko siyang dalawin dito.  At kahit pa halos isang linggo na ang nakakalipas ay nanatili paring nakapikit ang mga mata niya.

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko at hindi ko inaasahan ang matinding lungkot na naramdaman ko.  Sinubukan kong huminga ng malalim ngunit hindi niyon napawi ang sama ng loob ko. Ang masama pa ay napabaling ang atensyon ko sa mga lead na nakakabit sa kanya at sa mga machine sa tabi niya.

Wala sa loob na sinundan ko iyon ng tingin at pinagmasdan ang mga linya sa monitor.  Ganun din ang mga numerong nakapaskil roon.

Hindi ako masyadong magaling sa pagiinterpret niyon. Pero alam ko na ipinapakita lang nun ang bilang ng pagtibok ng puso niya.  Ganun din ang level ng hangin sa katawan niya.

So far ay hindi naman nagiingay at nagbibigay ng warning ang machine.  Kaya sa tingin ko ay nasa normal naman ang lahat.

Biglang sumingit sa isip ko ang mga nangyari ilang linggo na ang nakakaraan at muli akong tumingin sa mukha niya.

Naalala ko lahat ng naranasan namin sa survival room at kahit alam kong wala naman akong kasalanan sa mga nangyari sa kanila sa loob ay hindi parin mawala wala ang guilt sa loob ko.

Na para bang... Kasalanan ko pa din kung bakit nasa ganito siyang kalagayan.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim.  Pinigil ko ang mga luha ko at pilit pinapagaan ang dibdib ko.

Ng muli akong magdilat ay ibinaling ko sa iba ang mga mata ko.  Huminto yun sa kamay niyang nasa gilid nya.  Sa puting band na nasa palapulsuhan nya.  Nakasaad dun ang buong pangalan niya. Clynne Nielsen.

Muli akong nakaramdam ng lungkot at awa para sa kanya. At hindi ko napigilang muli siyang tingnan.

Naalala ko ang sinabi sa amin ni Racky.  Kung paanong sa kabila ng paghihirap niya ay sinubukan pa din niyang tulungan sila.  Handa niyang isakripisyo ang sarili niya masigurado lang na maililigtas ang mga kasama niya.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon