Chapter 14: Treasure Hunt

872 70 1
                                    

*Avon's POV*

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Xavier.  Inaantok na tiningala ko siya mula sa kinauupuan kong malaking bato.  Kumunot naman ang noo nya  at yumuko para tingnan ng malapitan ang mukha ko.

Napakurap ako saglit sa ginawa nya pero ng marealised ko ang maliit na distansya namin ay halos mapaiigtad ako sa gulat.  Dahilan para madulas ako sa batong kinauupuan ko.  Napasigaw pa ko ng maramdaman ang pagbagsak ko.

Mahuhulog na sana ako kung hindi lang siya naging mabilis at hinawakan ang braso ko. Bahagya pa nya kong hinila para mabalik ako sa batong kinauupuan ko.

"Ayos ka lang?" Tanong pa niya.

Medyo mabilis pa ang tibok ng puso ko sa panic bago ako napatingin ulit sa kanya.  Pagkatapos ay saka ko marahas na binawi ang braso kong hawak niya.

"Bakit ka kasi nangugulat!" Asik ko sa kanya sabay sapo sa dibdib ko.  Parang aatakihin ako sa bilis nun.

Sandali nya kong pinakatitigan lang bago unti unting umismid.

"Hindi ko kasalanang lutang yang isip mo." Nangaasar na sagot niya.

Gagantihan ko sana siya ng makita ang ilang ka grupo naming nakatingin sa amin.  Medyo napalakas siguro ang sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahata.  Maging sila Clynne at Vlad na halatang napatigil sa pagplaplano ay nagtatakang bumaling sa amin.

Medyo nahiya naman ako lalo na ng makita ko ang mga mata ni Vlad na nagsasalitan ng tingin sa pagitan namin ni Xavier.

Napalunok ako at napatikhim bago huminga ng malalim.  Kinalma ko muna ang sarili ko at nagtitimping tiningnan si Xavier.  Pero hindi ko parin mapigilang paningkitan siya ng mga mata. Lalo naman siyang natawa sa akin.

"Hoy Xavier!  Hindi pa nga tayo nagsisimula eh sasaktan mo na agad ang isa sa mga kasama natin? Espeya ka ata eh!" Nakangising sigaw ni David na kasama namang nakaupo ng dalawang Novice namin sa malapit sa ilog.

"Inosente ako." Bait baitang sabi ni Xavier at itinaas pa ng dalawang kamay na tila sumusuko.

Napailing nalang si Clynne at nagpatuloy sa pakikipagusap kay Vlad.

Medyo nakahinga naman ako ng bahagya ng maalis sa akin ang mga mata ni Vlad.

"Seriously.  Parang konti nalang eh tutumba ka na dyan sa kinauupuan mo." Baling sa akin ni Xavier.

"Pagod lang." Sabi ko at pinigilang mapabuntong hininga.  Understatement.  Dahil higit pa dun ang nararamdaman ko.

Sa loob ng dalawang araw na pagpreprepare namin para sa labang to,  ongoing naman ang punishment ko kay Headmaster.  After ng klase at training ay tumutulong ako sa library para maglinis.  At kahit pa tinutulungan ako ni Vlad,  na sobra kong kinahihiya sa kanya ay inaabot pa din kami ng disoras ng gabi.

Halos isumpa ko na nga ang mga estudyanteng hindi marunong magbalik ng mga librong kinuha nila. At hindi ko akalaing ganun kahirap maglinis ng library. 

Pagkatapos ng library ay saka lang kami pwedeng magpahinga ni Vlad,  pero isa pa yun sa naging kalbaryo ko.

Dahil kahit nakasunod sa amin ang Helixes na itinakda ni Headmaster ay hindi naman ako makatulog sa iisang silid kasama si Vlad.

Magkaiba man at nasa magkabilang panig ang mga kama namin na napapagitnaan ng isang temporary divider.  Ay hindi parin nun maalis ang awareness na nandun siya.

Hindi man nagsasalita si Vlad,  pero alam ko na gising siya sa mga oras na gising din ako. 

Kaya naman maswerte na ang tatlo o apat na oras na tulog ko.  Kaya ayan...  Hindi ko masisisi ang utak ko na lumutang ngayong araw.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon