Chapter 17: Grim

729 67 4
                                    

*Avon's POV*

I tried to fight the darkness.  Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. 

Hindi ko na rin mahanap ang lakas ng katawan ko dahil sa kakulangan ng hangin. Maging ang utak ko tila unti unti ng tumitigil sa pagtakbo.

Nawala ang init sa katawan ko at napalitan ng kakaibang lamig.  Mula sa ulo hanggang sa mga paa ko.

Muli kong narinig ang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.  Pero kahit pilit kong paganahin ang isip ko para mabigyan ng pangalan ang tumatawag sa akin ay hindi ko naman magawa.

At kahit anong pilit ko ay dahan dahan akong buminitaw sa kamalayan ko.

Avon.

Muling tawag nito sa akin.

Where are you?

Nanghihinang tanong ko.  Sandaling binalot ng katahimikan ang isip ko at ng akala ko ay hindi na sya sasagot ay saka ko narinig ang malamig na boses niya.

Inside you.  Find me.

How?

You know how.

Naguguluhan man ay sinubukan ko.  Hinayaan ko ang sarili kong bumitaw sa realidad ng mundo at umatras sa kaibuturan ng pagkatao ko.

Naramdaman kong nawala ang bigat ng katawan ko at parang sumasabay lang ako sa banayad na agos papuntan sa hindi ko alam na lugar.

I searched for the voice.  At sinundan ang tila kakaibang pwersa na nararamdaman ko.

Then my feet slowly hit the ground.  At saka ko pinilit ang mga mata kong dumilat.

Ang akala ko ay mahihirapan ako.  Pero nagulat ako ng walang kahirap hirap yung sumunod sa gusto ko.

Sandaling tila nanlabo ang mata ko bago yun nagadjust at nakita ang malaking pinto sa harap ko.

I froze.  At ganun lang ang panlalaki ng mata ko.  Kumabog din ang dibdib ko at mabilis na bumaling sa likod ko.

At nandun nga, gaya ng inaasahan ko,  ang Pinto ng elemento ko.

Muli akong bumaling sa harap ko at kinakabahang tumingin sa pinto ng Nether.

Taglay pa din nito ang maitim na Aurang bumabalot dito.  Ganun din ang kakaibang lamig na pilit umaabot sa akin.

Come.

Panghahalina ng boses sa akin. Parang dumoble ang lamig sa paligid ko ng malaman ko na nanggagaling yun sa loob ng pinto.

"No..." Mahinang pagtanggi ko.  Wala sa loob na napailing pa ko at napaatras. Pero pinigilan ako ng boses.

You want power.  You NEED power. Don't you?

Tanong nito na nagpatigil sa akin sa kinatatayuan ko.

Gusto ko sanang itanggi ang sinabi nya.  Pero alam ko na alam din naman ng nilalang nayun na ang katotohanan.

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita.  Pero dagli ring isinara yun at umiling.

Do you want to save them?

Tanong pa niya.

"Them?" Halos pabulong at kunot noong usal ko.

Hindi siya gumamit ng salita para sagutin ako,  imbes ay may nagliwanag sa kaliwang bahagi ng pinto. 

At ng lumamlam ang liwanag niyon ay saka ko nakita ang kaganapang tila ipinapakita nun.

Napasinghap ako at nagaalalang humakbang palapit doon.  Pero ng maramdaman ko ang nakakapasong lamig sa mga paa ko ay pinigilan  ko ang sarili kong kumilos.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon