*Avon's POV*
"Handa ka na?" Tanong sa akin ni Xiuh. Kalmado ang tinig niya ngunit salunggat yun sa pinapakita ng mga mata nya.
Alam kong hindi siya komportable sa gagawin ko pero batid nya ang kahalagahan nito. Kaya kahit alam kong marami syang gustong sabihin ay nanatiling tikom ang mga bibig niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang braso niya ng tumanggo ako bilang sagot sa tanong niya. Sandali nyang pinakatitigan ang mga mata ko at nakita ko na bahagya siyang mapanatag.
His lips tightened. Pero tumango din siya sa akin.
Magiingat ka.
Sabi pa nya sa loob ng isip ko. Muli akong napangiti sa kanya at ng bitawan ko siya ay saka ko binalingan si Emmeline.
Medyo natigilan pa ko at dahan dahang nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang matiim na tinitingnan kami ni Xiuh.
Hindi ko maipaliwanang pero may kakaiba sa paraan nya ng pagkakatingin sa amin. At lalong kumunot ang noo ko ng bumaling ang mapanuri nyang mata sa Spirit ko.
"May problema ba, Emmeline?" Nagtatakang tanong ko. Bumaling din sa kanya si Xiuh.
Kibit balikat ang isinagot niya sa akin bago humakbang palapit.
"Kailangan mo ng magmadali. Hindi makakabuti sayo ang manatili ng matagal dito. Kailangan ka din ng katawan mo sa labas." Sabi niya at naglakad palapit sa itim na pinto.
Sumunod kami ni Xiuh sa kanya. Bawat hakbang namin ay sya namang unti unting pagkawala ng init sa paligid. Palayo kasi kami sa init ng elemento ko at sa pinto ng kapangyarihan sa likod ko.
Palapit kami ng palapit sa kadiliman ng itim na pinto hanggang sa kakaunti nalang ang liwanag na nakikita ko mula sa pinto ng elemento ko.
Palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko at kahit labanan ko pa ay unti unting tumitindi ang kaba sa loob ko.
Naikuyom ko ang mga kamay ko at diretsong tiningnan ang pinto ng Nether. Huminto si Emmeline ilang metro mula doon at huminto naman kami ni Xiuh sa likuran nya.
Sandaling tiningala naming tatlo ang higanteng pinto at ang nagliliwanag na simbolo ng Apoy doon, bago bumaling si Emmeline sa amin.
"Mula rito ay kailangan mo ng pasukin ang pinto. Gagabayan ka ng kaluluwang nakalink sayo sa loob para mahanap mo ang kinakailangan mo. Tandaan mo lamang na hindi magiging madali ang pananatili mo sa loob. Tatagan mo ang loob mo Avon." Babala pa nya.
Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob ko. Matatag ko ding sinalubong ang mga mata ni Emmeline bago tumango sa kanya.
Bahagya naman siyang ngumiti pagkatapos ay tumabi para paraanin ako.
Humakbang ako at tumabi sa kanya. Pagkatapos ay muling tinitigan ang simbolo ng apoy na naroon.
Naramdaman ko din ang ibinigay na kapangyarihan ni Teresa at hinayaan ko yung kumalat sa akin.
Tumingkad ang tila pulang baluti sa katawan ko at binalot ako ng pamilyar na init.
Nabawasan nun ang kaba ko at napanatag ang katawan ko. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at hinanap ang naguugnay sa akin at sa pinto ng Nether.
Naramdaman ko iyon sa loob ko at hinayaan ko ang sarili kong hatakin nun. Aware din ako sa link ng elemento ko. Na sandaling pumigil at humihila sa akin pabalik.
Niluwagan ko ang kapit ko sa elemento ko at muling nagpahatak sa Nether.
Unti unti ay nararamdaman ko ang lamag nun na bumabalot sa baluti ko. Ay kahit pa protektado ako ng init ng kapangyarihan ni Teresa ay parang ramdam ko pa din ang lamig na taglay ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness)
FantasyMy name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan nabububay ang ibat ibang nilalang at halimaw. Noon, balot ng kadiliman ang puso at diwa ko, at wal...