*Vladimir's POV*
Napaangat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang pinto ng Headmasters's office.
Napaalis ako sa pagkakasandal sa pader at hinintay ang paglabas ng ilang estudyanteng nasa loob ng silid.
Maging sila Simon, Clynne, Marius , Kaeden, Marvin at iba pa ay napaayos din ng tayo sa tabi ko.
Unang lumabas sila Sir Christian at iba pang dating mentor nila Teresa. Pagkatapos ay saka lumabas ang ilang Sources of Light, na kaagad namang sinalubong ng mga kamatch nila. Huling lumbas sila Racky. Pero ng hindi ko makita si Avon ay saka ko sya nilapitan.
Agad naman siyang napatingin sa akin at tipid na ngumiti. At bago pa ko makapagsalita ay nauna na sya.
"Nasa loob pa sya. May ilang tanong pa sa kanya sila Head Master." Sabi nya.
Napatango lang ako sa kanya bilang pasasalamat. At bumaling kay Clynne ng lumapit sya sa amin.
"Mas makakabuti kung magpapahinga na kayo. Hindi rin biro ang kinaharap nating laban. At hindi ko man gustong sabihin pero , may chance pa rin na muling sumalakay ng mga Tainted. Mas makakabuti kung mababawi agad natin , higit ninyo ang lakas na nawala sa atin. "
"Pero si Avon..." Nag-aalangan na sabi ni Karen.
"Ako ng bahala sa kanya. Ihahatid ko sya sa Dorm pag natapos na syang kausapin ni Head Master." Presenta ko.
Napatingin silang lahat sa akin. Pagkatapos ay dahan dahang tumango. Sinamahan nila Clynne sila Racquel pabalik sa dorm habang ang iba ay sinamahan naman sila Noly pabalik sa Nacht.
Maging sila Sir Christian ay iniwan din ako para tulungan ang ibang Warrior sa pagsasaayos sa nasirang harang ng Academy.
Muli akong pumunta at sumandal sa gilid ng bintana at tiningnan ang nakasarang pinto. Sandali ko iyong tinitigan bago ipinikit ang mga mata ko.
At ng maramdaman ko ang bond sa loob ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ganun din ang pagsibol ng saya sa puso ko.
Pakiramdam ko buong buo na ko. At ang dating lugar kung saan ko nararamdaman ang kalungkutan at pagiisa. Ngayon ay napupunan na ng init. Init na nangagaling sa taong nasa likod ng pintong yun.
Ramdam ko ang nararamdaman nya. Ang saya sa pagtatagumpay namin. Ang lungkot para sa mga nadamay na kauri namin. At ang galak sa pagiisa ng puso at isip namin.
Hindi gaya noon, hinayaan na nya kong makita at maramdaman ang lahat ng emosyon at iniiisip nya. At hinayaan nya na kong maramdaman ang pagmamahal nya.
Halos sumabog na ang puso ko sa matinding pagmamahal para sa kanya. At halos wala ng paglagyan ang saya ko ngayong kasama ko na sya. Siguro ay nadoble ang nararamdaman ko dahil sa bond namin. Pero kung anot ano man, may bond man o wala, alam ko na totoo ang nararamdaman ko sa kanya.
Muli kong narinig na bumukas ang pinto. Nagmulat ako ng mga mata at bumaling doon.
And there, infront of the door, is the woman who complete me.
Napangiti ako kasabay ng pagngiti din nya. At ng lumapit sya sa akin ay ibinuka ko ang mga bisig ko para salubungin sya.
Pumaikot din sa akin ang mga bisig niya at inihilig sa dibdib ko ang ulo nya. At sa simula palang ng pagkakalapit ng katawan namin ay parang domoble ang init na nararamdaman ko sa loob ko. Kasabay ng pagdaloy ng tila kuryente sa buong katawan ko.
Alam kong naramdaman din nya ang naramdaman ko. At ramdam ko na kontento na sya sa mga bisig ko.
Hinalikan ko ang itaas ng ulo nya at pumikit para lasapin ang oras na to.
BINABASA MO ANG
Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness)
FantasyMy name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan nabububay ang ibat ibang nilalang at halimaw. Noon, balot ng kadiliman ang puso at diwa ko, at wal...