Chapter 19: Broken

838 73 3
                                    

*Avon's POV*

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at pilit nilalabanan ang antok na humihila sa akin.

Sandali rin akong nasilaw sa liwanag bago nagadjust ang mga mata ko. Bahagya akong kumilos pero bigla akong napaungol ng maramdaman ang sakit sa buong katawan ko.

"Gising ka na!" Sabi ng boses na kanan ko.

Maingat na ibinaling ko dun ang ulo ko at nakita ang pigura ng isang babae sa harap ng isang nakabukas na bintana.

Bahagya pang nanlalabo ang mga mata ko at hindi pa nakatulong ang matinding liwanag sa likod ng babae para makita ko ang mukha nya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling sinubukang dumilat.  Naaninag ko naman ang babae na lumapit sa akin at umupo sa silya sa gilid ng kama ko.

Naramdaman ko din ang marahang paghawak nya sa kamay ko.  At ng maramdaman ko ang kakaibang init na nagmumula sa kanya ay saka tila nagkalakas ang katawan ko.

Unti unting nawala ang sakit ng katawan ko at dahan dahang nakapagfocus ang mga mata ko.

Napatingin ako sa mga kamay niyang may hawak sa akin at nakita ko ang bahagyang paglabas ng puting flare sa mga yun.

Sandali akong natigilan at kumunot ang noo ko ng unti unti kong inangat ang tingin paakyat sa mukha nya.

Nakasuot siya ng isang puting gown na nakikita ko lang noon sa tv.  Mayroon din siyang suot na kwintas at base sa kinang nito ay agad kong nakilala bilang Spirit Accessory.  May bituing pendant iyon na puno ng maliliit na dyamante. 

Parang tumigil ang puso ko ng makilala ang kwintas nya at agad na bumaling sa mukha nya.

Iisang elemental lang ang nagtataglay ng ganung alahas.  Dahil iisang elemental lang din ang pinagkalooban ng Spirit na kumakatawan doon. Iisang tao lang sa panahon ko ang vessel ni Ryuu.

Nakita ko ang mukha ng babae at tila tumigil ang oras ko ng makilala siya.

Hindi siya si Sallie.  Kundi ang isa pang vessel na dating nagmamay ari kay Ryuu,  si Aislynn.

Napatulala ako sa kanya at halos hindi maiproseso ng utak ko kung bakit kaharap ko ngayon ang dating Source ng Aether.

Namatay na ba ko?  Kaya nakikita ko ngayon ang namayapang Source?

Bahagyang nagsalubong ang kilay ng Aislynn na kaharap ko,  at unti unting napalis ang ngiti sa labi niya.

Nakita ko din ng sumibol ang pagaalala sa mga mata niya.

"Ayos ka lang ba? " marahang tanong niya sa akin.

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita.  Pero maging ang lalamunan ko tila ayaw gumana.  Sa dami ng tumatakbo sa isip ko ay hindi ko alam kung anong salita ang uunahing bibigkasin ko.

Mukhang nakita naman ni Aislynn ang pagkalito sa mukha ko kaya bahagya siyang ngumiti.

"Marahil ay nakakaramdam ka ng sakit o paglahilo.  Pero huwag kang magalala. Mawawala rin yan maya maya.  Huwag mo munang pilitin ang sarili mo.  Magpahinga ka muna."

Bahagya akong umiling para gisingin ang sarili ko.  Pero nanatili ako sa lugar na kinahihigaan ko at hindi nawawala ang kung ano mang aparasyong nakikita ko.

"Pa-paanong.... " naguguluhang usal ko habang nakatingin kay Aislynn.

Napakurap siya at marahil ay iniisip ang gusto kong sabihin.  Maya maya ay naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko.

"Kung ang itinatanong mo ay kung paano ka napunta dito....paumanhin ngunit hindi ko rin alam.  Nakita ka nalang namin sa may hardin.  Namimilipit ka sa sakit.  Kaya...  Tinulungan ka namin."

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon