Chapter 9: Challenge

888 85 8
                                    

*Avon's POV*

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko.  Halos napakaimposible at kahit kailan ay hindi ko inisip na pwedeng mangyari sa akin ang nangyari sa kakambal ko.

Soulmate. Matched. Mga salitang kahit kailan ay hindi ko iniugnay sa akin.  Sa taong sinilang sa gitna ng kadiliman.

Parang namanhid ang buong katawan ko at maging ang utak ko hindi magawang magproseso. Halos hindi makapagfocus ang paningin ko at tila nabingi ang mga tengga ko.

Kulang ang salitang shock sa nararamdaman ko at tila huminto ng literal ang mundo ko.

At ng unti unting gumana ulit ang utak ko ay saka lang muling nanumbalik ang pakiramdam ko.  Dahan dahan kong narinig ang mga tinig sa paligid ko.  Sa unay mga tunog lamang hanggang naging klaro ang mga usapan nila saga tengga ko.

Maging ang paningin ko ay luminaw at nagawa ko ng magfocus sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Ngunit ng dahan dahan kong iangat  ang tingin ko ay sumalubong naman sa akin ang mga mata ni Vlad.

Napigil ko ang hininga ko at halos lumundag sa pagkabigla ang puso ko. Lalo na sa intensidad ng mga mata niya. 

Hindi siya nagsalita at hindi ko mabasa ang mga mata niya.  Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya sa nalaman namin. Basta tila naghihintay lang siya sa akin.

Hinihintay ng ano,  yun ang hindi ko masabi.  Hinihintay ba nyang salungatin ko yun?  Sabihing kalokohan lang ang lahat? Hindi ba nya gusto ang nangyayari?

Ang daming tumatakbo sa loob ng isip ko pero hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanya.  Nawalan na ng saysay ang mga kaganapan sa paligid namin at tanging siya lang ang malinaw sa akin.

Naramdaman kong ibinaba nya ang pader na itinaas nya sa pagitan namin,  at hindi ko napigilan ang kaba at takot na naramdaman ko dahil doon.

Gusto nyang makipagusap.  Ng kami lang.  Malinaw yun sa ginawa nya.  Pero hindi ko maalis ang takot sa loob ko. 

Handa na ba kong tanggapin ang mga sasabihin nya?  Matatanggap ko ba...  Kung sakaling itanggi nya?

Naramdaman ko ang haplos niya sa pader na ginawa ko at hindi ko napigilang mapasinghap at mapaigtad sa kinauupuan ko.

Mabilis naman siyang umatras sa loob ko at binigyan ako ng oras para kumalma.

Naipikit ko ang mga mata ko at pasimple akong huminga ng malalim. 

"Kung ganon ay wala na tayong dapat pagusapan pa." Narinig kong sabi ni Headmaster. "Kusang matatanggal ang mga link at kung hindi man...  Ay kailangan pa nating maghintay sa susunod na kabilugan ng buwan."

Iminulat ko ang mga mata ko pero iniwasan kong mapatingin kay Vlad. Sandali kong tiningnan sila Headmaster bago sila Racky.  Concern na tumingin naman sa akin ang mga kaibigan ko. Nanatili silang tahimik at hinayaan nila kong magdesisyon kung ipapaalam ko kela Headmaster ang tungkol sa amin ni Vlad. 

Maging si Vlad ay hindi nagsalita  kaya naiwan ako sa paggawa ng desisyon.  Huminga muna ko ng malalim bago muling sinalubong ang mga mata ni Headmaster.  Tahimik lang silang naghihintay pero kitang kita na nagmamasid lang sila sa amin. 

He knows that something is off. Pero hindi nila kami kinompronta kung ano yun.  Sa halip ay hinayaan lang din nila kami kung nais naming magbahagi o hindi.

Somehow,  sumagi sa isip ko na kahit konti ay nagawa na nila kaming pagkatiwalaan.  O kung hindi man...  Ay ito ang simula ng pagpapakita nila sa amin ng suporta at tiwala.

Sinubukan kong magsalita.  Pero parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko.  Hindi rin gusto ng puso ko ang desisyon ko,  ganun pa man ay pinilit ko nalang ang sarili kong tumango kay Headmaster bilang pagsang ayon sa kanya.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon