*Avon's POV*
"Ano tong ginawa mo Briar?" Tanong ko habang pinipigilan ang sarili kong sunugin ang nakangising Fey sa harap ko.
Halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko dahil na din sa samot saring emosyong nararamdaman ko. At ang nangingibabaw doon... Kaba, takot at pagkapahiya ko. Lalo na at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa taong natali sa kaluluwa ko.
"Hindi ba at sinabi ko naman na iuugnay ko ang kaluluwa nila sa inyo? Kaya hayan.. " naamused na paliwanag pa niya. "Isa pa.. Pumayag naman kayo. Kaya wala akong nakikitang kasalanan ko." Sagot niya.
Muli akong napabuga ng hangin at inis na ibinaling sa iba ang mga mata mo. Nakita ko sila Racky at ganun din sila Simon na tahimik sa kinatatayuan nila. Kitang kita sa mukha nila ang pagkabagabag.
Alam ko ang nararamdaman nila. Lalo na at may kakaibang pakiramdam sa loob na hindi naman nabibilang sa akin.
Napatingin ako kay Vlad na nakatayo sa tabi ni Simon. Nakacross ang mga kamay niya sa dibdib niya at parang ang lalim din ng iniisip niya.
Nacurious naman ako kaya kahit ayaw ko, natemp akong alamin ang iniisip niya.
Sinubukan kong pagaralan ang loob ko. At ihiwalay ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya.
Wala akong nababasa sa isip niya at ramdam ko ang pagiging panatag niya. Kumunot ang noo ko at pinakiramdaman pang lalo ang loob ko. Samut saring emosyon ang nandun pero habang iniisa isa ko yun ay nalaman kong sa akin lahat ang mga pakiramdam na yun.
Ang takot, kaba, inis at... Hiya. Sinubukan kong hanapin ang kay Vlad. Nahirapan man ako pero nagawa kong matunton ang damdamin niya sa loob ko.
Pero imbes na matuwa. Lalo akong natigilan. Gaya ng isip niya ay payapa ang loob niya. At kung may isa mang emosyong nangingibabaw sa kanya yun ay walang iba kundi.. Curiosity.
Parang anino lang yung dumidikit sa mga emoayon ko at pilit hinahanap ang dahilan ng mga nararamdaman ko.
Para siyang nananaliksik na tinutuklas kahit katiting na bahagi ng pagkatao ko.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ko at naramdaman kong nagreact ang kapangyarihan ko. Binalot nun ang katawan ko na waring gustong sununugin ang anumang bagay sa loob nun na hindi kabilang ko.
Nakita kong nagliwanag ang pulang marka namin ni Vlad. Tila nahugot siya nito sa pagiisip niya at bumaling sa akin.
Sinalubong ko naman ang mga mata niya at lalo pang pinuno ng kapangyraihan ko ang katawan ko. Napatingin na din sa akin sila Racky ng labasan ako ng pulang flare.
Don't. Babala ko sa kanya. Huwag mong tangkaing makialam sa mga emosyon at iniisip ko. Get out of my mind and leave my Soul Alone!
Halos sigaw ko sa kanya. Hindi ko gustong makita nya ang totoong ako. At ayokong malaman nya ang mga itinatago ko.
Don't you think it's too late for that?
Tanong niya sa loob ng isip ko. Ni hindi siya natinag sa pagkakatayo niya at kampante lang na tinitingnan ako.
Lalo kong pinag-alab ang apoy sa loob ko at ginawa yung harang sa amin. Naramdaman ko ng itulak nun si Vlad sa loob ko pero nararamdaman ko ding unti unting napipinsala ang katawan ko sa ginagawa ko.
Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Itigil mo na ang ginagawa mo.
Sabi pa niya. Pero hindi ako tumigil hanggang sa magpakita na ang simbolo ng apoy sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness)
FantasyMy name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan nabububay ang ibat ibang nilalang at halimaw. Noon, balot ng kadiliman ang puso at diwa ko, at wal...