Chapter 20: Fire VS Fire

859 68 2
                                    

*Avon's POV*

"Avon? Ayos ka lang ba?"

Itinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko sa magkapatong kong kamay na nasa kandungan ko ng marinig ang boses ni Emmeline. 

Nakasakay kami sa isang magarang karwaheng hatak hatak ng dalawang puting kabayo.  Malalambot ang upuan at gawa sa makikintab na kahoy ang dingding at kisame.  Marangya din ang pintuan at ang pinakadesenyo nito. Kulay pula ang upuan at ang maninipis na kurtinang nakatali sa magkabilang bintana. 

"Maayos lang ako." Simpleng sagot ko.  Ang totoo ay wala na kong nararamdamang sakit mula pa ng umalis kami sa mala mansyong bahay nila Aislynn.  Wala rin akong kabang nararamdaman.  At ang tanging nakakapa ko lang sa loob ko ay....  Kawalan.

Na para bang may kulang.  Na para bang may importanteng bagay ang nawala.  At ramdam yun ng baway himaymay ng pagkatao ko.

Vlad....

"Hindi ka ba kumportable sa suot mo?" Tanong pa ni Emmeline na pansamantalang pumutol sa kirot na dulot ng pangalang iniisip ko.

Pasimple akong huminga ng malalim at pilit ngumiti sa kanya. Sandali ko ring niyuko ang mamahaling gown na suot ko.  Gaya ni Emmeline ay kulay pula iyon.  Pero mas simple ang desenyo kumapara sa kanya.  Abot sakong din ang haba na halos ikapatid ko kanina.

Bahagya akong umiling ng muli kong salubingin ang mga mata nya.  "Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako...  Sanay?" Patanong na sagot ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya.  Alam kong may gusto syang itanong pero galatang pinipigilan lang nya ang sarili niya.  Sandali siyang natahimik bago bahagyang tumango. 

"Marahil ay nagaalala ka sa mga taong napalayo sayo." Sabi niya.  "Pero ikampante mo ang iyong sarili.  Hindi magtatagal ay lalakas ka at makakaya mo ng bumalik sa kanila." Tipid siyang ngumiti sa akin.  Nagyuko naman ako ng ulo at tinanguan nalang siya.

Hindi ko rin masabi sa kanya na kahit bumalik ang lakas ng katawan ko o magkaroon ako ng sapat na kapangyarihan ay hindi pa rin yun sasapat para makabalik ko sa amin.  Gustuhin ko man,  pero hindi ko maaring hingin o tanggapin ang tulong nila. 

Kailangan kong humanap ng ibang paraan para makatawid sa oras ng hindi nila nalalaman.

Wala sa loob na napatingin ako sa labas ng bintana.  Sa tanawing ibang iba sa amin.

Sa suot palang ng mga tao sa kalsada.  Pati na sa mga istraktura ay ibang iba sa panahon ko.

Ang tanging hindi lang nagiba ay ang mga Spirit Animals na kasa-kasama ng iba.  Para sa mga normal na tao. Simpleng alaga lang sila.  Pero para sa aming mga Elemental,  simbolo sila ng lakas at proteksyon ng vessel nila.

Muli kong naalala si Xiuh.  Dahilan para biglang maginit ang mga mata ko at kinailangan ko pang ikurap kurap yun para labanan ang lungkot na nararamdaman ko.

Natigilan din ako ng biglang may malamig akong naramdaman sa loob ko.  Na tila ba natutulog lang at unti unting nagigising.

Ang Grim Ripper.  Nasa dating lugar na sya ni Xiuh.  Kaya ng isipin ko ang Spirit ko ay wala sa loob na natawag at nagising ko din sya.

Halos mapasinghap ako kung hindi ko lang agad napigilan ang sarili ko.  At halos kumabog ang dibdib ko sa kaba. Naikuyom ko din ang mga palad ko at halos pigilan ko din ang hininga ko gaya ng pagpipigil ko sa kanyang gumising.

Sandali pang kumalat ang lamig.  At maging ang mga kamay ko nanlalamig na dahil sa higpit ng pagkakakuyom niyon.

Sandali rin akong pumikit at halos manalangin para manatili siyang tulog.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon