Chapter 22: Spirit of Fire

794 62 11
                                    

*Avon's POV*

Two links. Two sources of power.  One from the Fire and one from the dark.

Kaya nilang tumbasan ang init ng apoy ko at tumbasan ang mga atake ko.

Dalawa sa kanila ang kaelemento ko at malapit sa dating Source namin. Kaya alam nila ang kahinaan ng apoy ko.

Pero...  Hindi ng Nether.

Huminga ulit ako ng malalim.  Alam kong delikado ang gagawin ko.  Pero,  hangat nandito ang limang Source na pinagsimulan ng lahat.  Alam kong magagawa nila akong pigilan kung sakaling mawalan ako ng kontrol.

Pinakiramdaman ko ang unang link ko.  Ang kumukunekta sa akin sa elemento ko.  Ang apoy.  Ramdam ko ang init nun sa loob ko at ang pagbalanse nito sa Nether.  Hinanap ko ang pinto niyon at unti unting sinara. 

Dahan dahang nawala sa akin ang init at unti unti ring tumitindi ang lamig na dala ng Nether. Alam ko na kung nandito lang si Xiuh ay susuwayin nya ko.  Pero... Wala sya.  At tanging si Grim Reaper lang na tahimik na naghihintay ang kasama ko.

Ramdam ko ang pagbugso ng kapangyarihan ng Nether.  Na tila ba nananabik makalabas mula sa pinto nito.  At ng tuluyan kong maisara ang pinto ng apoy ay tila dam na bumuhos sa loob ko ang totoong kapangyarihan ng Nether.

Napasinghap ako ng tila lamunin nun ang sistema ko.  Nanlamig ang katawan ko at naramdaman ko ang paglabas ng kapangyarihan sa kabuuan ko.

Tila nagyelo ang kamay ko.  At ng imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong naglalagablab na sa itim na apoy ang kabuuan ng kweba.  Maliban sa lugar kung nasaan ang harang ni Aislynn.

Muli kong naramdaman ang pagkamanhid sa loob ko at kahit pa gulat at may bahid ng takot ang nakikita ko sa mukha ng mga kasama namin ay tila wala lang iyon sa akin.

Wala akong makapa ni kaunting emosyon. Wala na ang kaba , takot o excitememt na naramdaman ko kanina.  At para bang dekada na ng huli ko silang maramdaman.

Napatingin ako sa mga kalaban ko at maging sila halos nakamaang na nakatitig sa akin. Ilan beses ko pang nakitang pinasadahan nila ko ng tingin at natigil sa kamay ko.

Niyuko ko iyon at nakita ko ang simbolo ng apoy na naroon.  Pero imbes na pula ay kulay itim iyon.

"Isa rin syang Source?" Narinig kong tanong ni Rafael.

Walang sumagot sa kanya at kitang kita ko ang pagkalito sa mga mukha nila.

Walang kwenta.  Wala namang halaga kung malaman pa nila.

Walang emosyon at manhid na sabi ko sa isip.

Itinaas ko ang kamay kong may hawak ng sandata ko.  Tila nagising naman sila sa pagkilos ko at nakita kong itinaas din nila ang mga sandata nila.

"Let's continue." Malumanay ngunit tila sin lamig ng yelong sabi ko.

Nagpalabas pa ko ng maraming itim na apoy at mabilis na pinapunta sa kanila.

Kumikos naman ang mga salaming nilalang nila para tapatan ang apoy ko at magsilbing harang. 

Tumama dun ang atake ko at gumawa ng ingay ng magbanggaan ang kapangyarihan namin.  Ilang sandali rin nila kong napigilan.

Napatingin ako sa tatlo.  At nakita kong tumindi ang flare nila para suportahan ang depensa nila.  Nasalubong ko naman ang mata ni Jace at hindi ko mapigilang mangiti sa kanya. 

Parang bahagyang natigilan siya,  lalo na ng lakasan ko ang itim na alab.

Nakita kong naginit ang mga salaming nilalang nila para tumbasan ang apoy ko. 

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon