Chapter 18: Separation

768 60 2
                                    

*Avon's POV*

Patuloy na humakbang ang mga paa ko papunta sa kalaban.  At patuloy din ang mabagal na pagkilos ng mga itim na kadena sa paligid ko,  na waring naghihintay lang sa anumang ipaguutos ko.

Halos lahat sila hindi kumikilos sa kinatatayuan nila.  Maging sila Headmaster ay parang hindi alam kung ano ang gagawin.

Sandali ko syang tiningnan at nakita ko sa mga mata niya ang pagkabahala.  Bakas na bakas din dun ang pagaalinlangan niya.  Nakita kong humigpit ang kamay niya sa espada nya at kahit pa alam kong gusto nya kong pigilan ay nagpipigil lang din sya.

Inalis ko ang mga mata ko sa kanya at muling itinutok sa kalaban ko.  Ramdam ko ang mga sunog na dahon at sangga sa lupang tinatapakan ko.  Pero naamuse ako na sa oras na madampian sila ng itim na Aura ko ay tila nagiging abo sila at nawawala.

"Avon..." Narinig kong tawag sa pangalan ko.  Agad na huminto ang mga paa ko sa paghakbang . Kasabay ng tila pagtindi ng lamig sa loob ko.

Dahan dahan akong bumaling sa kaliwa ko at nakita si Vlad.  Nasa likod nya si Briar.  Ganun din sila Clynne at Kaeden. 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Vlad at parang sandaling huminto ang oras.  Ramdam ko ding tila bumibilis ang tibok ng puso ko at nilalabanan ang lamig na bumabalot doon.

May kung anong pwersang tila ipinapasa sa akin si Vlad gamit lang ang mga mata niya.  Pero hindi ko alam kung makakabuti ba yun sa akin o makakasama.

Wala sa loob na humakbang siya palapit sa akin ng hindi ninaalis ang mga mata niya.  Pero ganun nalang ang pagkilos ng mga kadena sa paligid ko na tila ba malaking banta si Vlad sa buhay ko.

Mabilis silang gumawa ng tila harang sa pagitan namin at sa kinagulat ng lahat ay ang pag ikot ng ilan kay Vlad at mabilis na pagtutok ng mga karit sa leeg niya.  Hindi naman siya dinidikitan niyon pero alam ng lahat ang bantang ipinapakita nito.

"H-hindi mo ba ko nakikilala? " tila nasasaktang tanong niya.

Hindi ko magawang sumagot.  Ang totoo ay kilalang kilala ko siya.  Tanda ko kung sino sya sa buhay ko at tanda ko rin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya noon.

Pero ngayon,  wala akong makapang kahit na anong emosyon para sa kanya.  Na para bang dekada na ang lumipas para sa mga emosyong naaalala ko para sa kanya.

Ang tanging naiwan lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko.  Na tila ba ginigising ako sa malayelong estado ng katawan ko.

Sandali pa nya kong tiningnan at nakita ko ng tumindi ang sakit sa mga mata niya ng makita ang kawalan ng emosyon sa mga mata ko.

"Avon.. " usal nya at muling humakbang.

Halos mapasigaw sila Clynne sa kanya ng kumilos ang mga kadena at halos dumikit ang mga karit sa leeg niya.

Maging ako tila naestatwa habang nakatingin sa kanya. 

Anong ginagawa nya?  Nahihibang na ba sya?  Hindi ba nya nakikita ang panganib sa paglapit sa akin?

"Vlad.  Tumigil ka!  Hindi mo ba nakikita,  hindi siya si Avon!" Sigaw ni Clynne.

"Siya pa rin yan.  Alam ko.  Siya pa rin yan." Sagot ni Vlad at kahit isang beses ay hindi umalis ang mga mata niya sa akin.

"Damn it! Vlad!" Frustated na asik ni Clynne.  "Marahil sya nga yan.  Pero hindi siya ang 'kilala' nating Avon. Tumigil ka na!"

Hindi pinakinggan ni Vlad si Clynne at hahakbang na sana ulit palapit sa akin ng magliwanag ang harap niya at lumabas ang Hari ng mga Helixes at Gnomes.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon