Chapter 23: First Elemental Beast

993 75 7
                                    

*Avon's POV*

"Vlad!  No!  No... " naluluha kong tawag sa kanya.  Hinawakan ko ang balikat nya at pilit siyang hinaharap sa akin.  Hindi ko alintana ang malayelong alab na bumabalot sa kanya.  Dahil halos madurog ang puso ko sa nakikitang sakit sa mukha nya.  Halos sumigaw na sya at kahit pa pilit nyang nilalabanan ay unti unti parin siyang ginagapo ng itim na alab sa loob nya.

"Vlad!  Please.... " pakiusap ko.  Kahit hindi ko alam kung para saan at kung kanino ako nagmamakaawa. 

Halos wala na kong maramdaman kundi matinding takot para sa kanya. 

Narinig kong muling umatake ang dragon at pinuntirya ang iba pa naming mga kasama.  Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at ng tingnan ko ay nakita ko sila Teresa kasama sila Racky na gumagawa ng harang para protektahan ang grupo namin.

Lahat sila nakalabas ang simbolo ng mga Elemento nila at napuno ng ibat ibang kulay ng ningas ang kuweba. Nakita kong sinubukang gamitin ni Racky ang Nether,  pero halos maapektuhan din nun ang kapangyraihan nila Teresa kaya mabilis nya yung inalis ng muntikang masira ang harang na ginawa nila.

"We need to do something!" Sigaw ni Christine.  Nasa harap din nya ang mga kamay nya at pinanatili ang harang sa kabila ng sunod sunod na atake ng Dragon.

Nakarinig din kami ng pagtawa at halos mapadaing sila ng sumama sa pagaatake ang mga Tainted.  Pilit nilang binabasag ang harang namin.

"Paano natin lalabanan yan?" Sigaw na din ni Nolymer.

"Apoy ang elemento nyan.  Baka may magawa ako." Suhestiyon ni Teresa.

"Huwag mo ng tangkain Teresa." Sabi ni Haring Aviur.  Maging sila hindi magawang lumabas sa harang.  "Maapektuhan ka lang ng itim na kapangyarihan nya."

"Pero--"

Hindi ko na narinig ang sinasabi nya ng muling mamilipit si Vlad sa harap ko.  Muli ko siyang tinawag ngunit tila hindi nya naririnig ang boses ko.  Dinaluhan na kami nila Haring Aviur at Haring Kaif ngunit kahit sila walang magawa para alisin ang itim na alab.

At ng tumingin sa akin si Haring Aviur ay parang nadurog ang puso ko sa ekspresyon nya.

"Masyado ng huli.  Kung wala tayong gagawin ay magiging katulad nila siya.."

Naluluhang umiling ako. "Hindi!  Hindi totoo yan!  Hindi sya magiging katulad nila!" Halos sigaw ko at niyuko si Vlad.  "Vlad....  Lumaban ka."

Please....

Naramdaman ko ang paglabas ni Grim Reaper sa likod ko.  Nakita kong bahagyang dumistansya sa akin ang mga warrior at kinakabahang tumingin sa kanya.

Umaagos ang mga luha naman akong  pumihit at tiningala siya.

"A-anong gagawin ko? S-sabihin mo..." Gulong gulo ng sabi ko.

Nakita kong tumutok ang mga pulang mata nya sa akin kasabay ng paglabas ng boses nya sa isip ko.

You can save him.  Sa pamamagitan ng paglilinis ng kapangyarihan nya.

Gaya ng ginawa nila Emmeline?

Tumango siya. 

P-pero hindi ko pa kaya. Kulang pa ang --

Ikaw ang Source ng Apoy.  At kaya mo ring panghawakan ang Nether. Walang bagay ang hindi mo kaya. 

Anong ibig mong sabihin?   Kunot noong tanong ko.

Noon pa man nasa iyo na ang kapangyarihan.  At ang tanging pumipigil lamang ay ang takot at pag-aalinlangan mo. 

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon