Chapter 21: Fire of Life

840 65 1
                                    

*Vladimir's POV*

"Ano sa tingin mo ang binabalak nila?" Naalis ang tingin ko mula sa mga naguusap na Elemental at bumaling kay Clynne. Nakatayo siya sa tabi ko at nakatingin din sa mga nilalang ng Chasm na kaausap nila Headmaster.

"Hindi ko alam. Pero kung ano man yun... Basta magagawang ibabalik si Avon, handa kong gawin." Determinadong sabi ko at muling ibinaling ang mga mata ko kanila.

Nakita ko namang tumabi sa kabila ko si Kaeden. Nakapamulsa sya at sandaling natahimik bago nagsalita ng hindi ako binabalingan.

"Can you still feel her?"

Tila bumigat ang dibdib ko sa tinanong nya at parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ko magawang sumagot sa kanya. Sinubukan kong lumunok at ng hindi nagbago ang lalamunan ko ay umiling nalang ako.

"Pero sa tingin mo? Buhay pa ba sya?" Walang pasakalyeng tanong nya.

Agad nagprotesta ang puso ko at marahas akong bumaling sa kanya. Mahigpit ko ring naikuyom ang mga kamay ko para pigilan ang galit na unti unting namumuo sa loob ko.

"Yes. Buhay pa siya." Tiim bagang sabi ko.

Parang hindi naman sya natinag sa tono ko at parang wala lang na bumaling sa akin. Sandali nyang sinalubong ang tingin ko bago tumango.

"Good. Kung yan ang nararamdaman mo. Naniniwala akong buhay pa nga sya." Sabi nya na sandaling kinabigla ko.

Maging si Clynne tila natahimik habang nakatingin kay Kaeden.

Sumingit sa isip ko na gaya ko ay may kamatch din siya. Ang isa pang Source ng Aether. Si rosallie. Gaya ni Avon ay nawawala din siya. At walang sino man ang nakakaalam kung buhay pa ba sya o hindi na. Ganun pa man buo ang paninindihgan ni Kaeden na buhay pa ang kamatch nya. At naghihintay lang sya sa muling pagbabalik nito.

"Vlad." Napabaling ako sa tumawag sa akin at lumapit ng senyasan ako ni Headmaster.

Huminto ako sa harap niya at sa mga pinuno ng Chasm.

"Susubukan naming hanapin sya gamit mo." Simula ng Reyna ng mga Undine. "At kung totoong ikaw ang kamatch nya, magagawa nating matunton ang konaroroonan nya."

Tumango ako sa kanya at hinintay ang ipapagawa nila.

Pero imbes na magpaliwanag ay kumilos sila paikot sa akin. Maging si Headmaster umatras kasama ng mga Warrior.

Tumigil sa harap ko si Haring Kaif, habang sa ibat ibang direksyon naman ang natitirang apat. Tila sila gumawa ng isang cross. At nasa pinakagitna kami ng Hari ng mga Helixes.

Kumilos ang nagliliwanag na kamay ni Haring Kaif sa harap ko. "Akin na ang kamay." Utos pa nya.

Walang alinlangan namang ipinatong ko ang kamay ko sa nagliliwanag na kamay nya.

At ng dumampi ang palad ko sa kanya ay lalong tumindi ang liwanag ng katawan nya. Napasinghap din ako ng tila ba bigla nalang may humatak ng kapangyarihan ko.

Nagdirediretso yun at binuksan ang pinto ng link ko. Kumalat ang kapangyarihan sa katawan ko at nagsabog ng pulang flare ang kabuuan ko.

Nakita kong naglabas din ng Flare sila Haring Avery, Haring Aviur, Haring Eurus at Reyna Corrine. Sandaling napuno ng ibat ibang kulay ng liwanag ang paningin ko hanggang sa tila napunta ko sa gitna ng kalawakan.

Nawala ang mga kasama ko at napuno ng tila bitwin ang paligid ko.

Ang nakikita mo ay mga life force ng mga Elemental na gaya mo sa mundo nyo. Sila ang ningas ng mga elemento. At isa sa kanila ang kamatch mo.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon