*Avon's POV*
Marahan kong isinara ang pinto ng Headmaster's Office at tila nanghihinang sumandal doon.
Katatapos ko lang magpaliwanag sa harap nila HeadMaster at ng Dalawang Head ng House tungkol sa paglabag ko sa rules ng Academy. At kahit valid pa ang ginawa kong pagpunta sa palapag ng mga Elites ay hindi parin ako nakaligtas sa parusa nila.
Napabuntong hininga ko. Mukhang ilang gabi din akong magpupuyat dahil sa mahaba habang punishment ko.
Ng umayos ako ng tayo ay saka ko nakita ang taong naghihintay sa akin sa pasilyo ng sixth floor.
Tila kumabog ang puso ko ng makita kong nakasandal siya at nakahalukipkip sa gilid ng bintana.
Nakapikit ang mga mata niya at tila payapang natutulog ang itsura. Naramdaman niya siguro ang pagkakatitig ko sa kanya dahil dahan dahang nagmulat ang mga mata niya. Pagkatapos ay tumutok iyon sa akin.
Pareho kaming sandaling natahimik at pinagmasdan lang ang isat isa. Pakiramdam ko pa nga ay tila bumagal ang oras pero hindi ko iyon alintana habang nakatingin sa mga mata ni Vlad.
Nahagip ng paningin ko ang pagkilos ng Jaguar sa tabi niya. Tumayo iyon mula sa pagkakahiga nito at umupo sa tabi ng Vessel niya. Naalis ang ang mga mata ko kay Vlad at nakitang pinagmamasdan din ako ng Spirit nya. They looked intimidating together. Na para bang tahimik lang silang nagmamasid, pero anumang oras ay mabilis silang kikilos kung kinakailangan.
Pasimple kong ipinilig ang ulo ko para gisingin ang sarili ko sa kung ano mang tinatakbo ng isip ko. Parang nanumbalik ang oras at naging aware ako sa paligid ko.
Inihakbang ko ang mga paa ko at lumapit kay Vlad. Hindi naman siya kumilos at pinakatitigan lang ako.
Sa bawat hakbang ko ay parang kumakapal ang tensyon sa pagitan namin. At tila kakapusin ako ng hangin dahil sa inboluntaryong pagpipigil ko ng hininga.
Ano bang nangyayari sa akin? Ako lang ba ang nakakaramdam nito? At saka... Bakit?
Sinalubong ko ang tingin ni Vlad. At muntikan na kong matigilan ng makita ang mga mata niya.
Sa unang pagkakaton, nakita ko ang ilang emosyon niya. Naroon ang pagtataka, pagkalito at pagaalinlangan. Na para bang pilit niyang iniintindi ang isang bagay at kahit anong gawin nya ay hindi nya yun maunawaan.
Huminto ako ilang hakbang sa harap niya. Pareho kaming nanahimik lang. Waring naghihintay sa sasabihin ng isat isa.
"Vlad." Basag ko sa katahimikan.
Nakita ko ang pagalis niya ng emosyon sa mga mata niya. "Problem?" Tanong niya at bahagyang tumango sa direksyon ng Headmasters office.
Bahagya akong ngumiti saka nagkibit balikat. "Don't worry. Hindi naman ganun kalala gaya ng inaasahan ko." Sagot ko at iniwas ang mga mata ko sa mapanuring tiningin niya. Iminuwestra ko ang hagdan ng sandali ko syang balinga." Let's go. May kailanagan pa tayong puntahan." Hindi ko na hinintay ang sagot nya at nagpatiuna na sa paglalakad.
Ng nasa puno na kami ng hagdan ay saka ko nakita ang pulang paru paro sa balustre niyo. Na para bang hinihintay kami.
Ng makalapit kami ay saka lumipad iyon at dumapo sa balikat ni Vlad. Maging ang Spirit niya tila nagtatakang tiningnan ang nagniningning na paru paro.
Muling hinaplos ni Vlad ang pakpak niyon bago nagtatakang tumingin sa akin. Pagkatapos ay bahagyang tumaas ang isang kilay nya na anino naghihintay ng paliwanag mula sa akin.
"Malalaman mo din. Basta sumunod ka nalang. " sabi ko at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin kasabay ng Spirit niya
BINABASA MO ANG
Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness)
FantasyMy name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan nabububay ang ibat ibang nilalang at halimaw. Noon, balot ng kadiliman ang puso at diwa ko, at wal...