Chapter 12: Clue

921 74 2
                                    

*Avon's POV*

"Anong nangyari sa kamay mo?" Bungad sa akin ni Racky ng makita nya kami ni Vlad na palapit sa mesa kung nasaan sila.

Halos lahat ng mga kaibigan ko na nakaupo at nagbabasa ay napatigil at bumaling sa akin.  Kitang kita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata nila ng dumako sa nakabenda at naka sling na kamay ko. Gulat na napatayo din sila. 

"Anong nangyari?"

"Bakit ganyan ang kamay mo?"

"Ayos ka lang?"

Halos sabay sabay na tanong nila Karen,  Kristine at Nolymer.

Lalapit sana sila sa akin ng itaas ko ang isang kamay kong walang benda para pigilan sila.  Pagkatapos ay huminto ako sa tabi ng mesa.  Si Vlad naman nanatili rin sa tabi ko.

"Wala ito.  Konting galos lang.  Kinailangan lang isling para hindi ko masyadong galawin.  Mas bibilis daw ang paggaling pag ganun." Paliwanag ko sa kanila.

Kunot noong bumaling sa akin si Racky.  "Sabi nino?"

"Huh?" Naguguluhang usal ko.  "Sabi ni Mr Mike." Nagaalangan na sagot ko.  Hindi kasi ako sigurado kung yun nga ang tinatanong niya.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya.

"Hindi ba nila pwedeng pagalingin yan agad? May kapangyarihan naman sila as Healer diba?"

Natigilan ako at napatingin kay Vlad.  Hindi naman nya sinalubong ang tingin ko at tila ba may kung ano rin ang laman ng isip niya.

Muli akong bumaling sa mga kaibigan ko.  Lahat sila tila hinihintay ang sagot ko. Pero bago ko sagutin yun ay nagtanong muna ko.

"Nasaan ang iba?" Tukoy ko sa mga taong nakalinked nila.

Tumango si Racky sa kanan niya at ng sundan ko iyon ng tingin ay nakita ko sila Simon,  Caleb,  Jovy at Jhasper na abala ding nakaupo limang mesa ang layo sa amin.  May kanya kanya rin silang librong binabasa. 

"Sinabi namin na kailangan nating makapagusap ng tayo tayo lang.  Kaya hiniling namin na bigyan nila tayo ng distansya at privacy pansamantala." Paliwanag ni Racky at bumaling kay Vlad. "Pwede bang samahan mo muna sila Caleb.  Importante lang ang paguusapan namin."

Sandalung tiningnan kami isa isa ni Vlad at ramdam ko na tinitimbang nya ang magiging desisyon nya.  Ang akala ko ay hindi siya papayag na hindi makisali sa ano mang paguusapan naming lima.  Pero nakahinga ako ng maluwag ng tumango siya.  Ramdam ko na napipilitan lang siya,  pero hinayaan nya muna ko sa mga kaibigan ko.

Sandali nya kong tiningnan bago nagsimulang lumapit kela Simon.

Pinaupo naman ako ni Racky sa tabi niya at ng muli silang maupo ay agad na tinanong nila ang nangyari sa kamay at braso ko.

Kwenento ko naman ang nangyaring dwelo sa pagitan namin ni Rona at ang pagkakatuklas nila tungkol sa mga Spirit namin.

Napahugot sila ng hininga at bahagya silang namutla sa sinabi ko.  Ganun pa man ay nakabawi din sila agad at nagaalalang tumingin sa isat isa.

"Kung ganun ay alam na nila." Ani ni Kristine.  "At sigurado ako kung hindi pa alam ito nila HeadMaster ngayon ay siguradong malalaman din nila bago pa man matapos ang araw. Kahit hindi kasi sabihin ni Sir Daemon,  impossibleng hindi makarating sa kanila ang nangyari.  Lalo na at maraming nakarinig sa pagamin mo."

Napatango naman ang lahat.

"I'm sorry." Nahihiyang napayuko ako.  "Hindi ko naisip na mangyayari yun.  Ang akala ko ay makakaya kong ipanalo yun kahit wala akong... " I trailed off.  At kahit hindi ko ipagpatuloy ay alam kong batid nila ang kasunod sa sinabi ko.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon