Chapter 11: Mine

898 67 4
                                    

*Avon's POV*

Source.

Muling pagtawag sa akin ng misteryosong boses sa loob ko.  Mahina lang iyon ngunit ramdam ko ang kakaibang lamig na kaakibat niyon. At kahit wala akong gawin ay kusa nitong hinila ang kamalayan ko papunta sa pinakaibuturan ng pagkatao ko.

Naramdaman kong nawala ang bigat ng tigreng dumadagan sa akin kanina.  At maging ang mga matutulis na pangil niya ay nawala mula sa braso ko.  Naramdaman ko ang solidong sahig sa mga paa ako at nawala ang matigas at malamig na bagay sa likod ko.

At ng maglaho din ang mga ingay at napalitan ng kakaibang katahimikan ay saka ko muling iminulat ang mga mata ko.

Wala na ang training room kanina,  maging ang katunggali ko at ang spirit niya. Napalitan yun ng pamilyar na lugar kung nasaan ang dalawang higanteng pinto na naglalabas ng magkaibang liwanag.

Sa kanan ko ang Pinto ng link ko.  Kung saan nababalutan ng pula at mainit na Aura.  Habang  sa kaliwa ko naman ang itim na pinto.  Na naglalabas ng itim at malamig na Aura.

Source.

Haplos ng malamig na tinig sa tengga ko.  Sinundan ko ang pinanggalingan niyon at kunot nooong tiningala ang Pinto ng Nether.

Kumilos ako at hinarap yun. Pagkatapos ay tila kusang humakbang ang mga paa ko at tumigil ilang metro mula sa tapat ng pinto. Gaya parin iyon ng huli ko yung makita.  At muling kumirot ang puso ko ng sumingit sa isip ko ang mga alaala ng huling pagpunta ko dito.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim.  Pilit ko ring itinulak ang mga masasakit na alaalang yun at muling kinulong sa pinakadulo ng kamalayan ko.

Pero hindi ko parin magawang alisin ang sakit.

Nasapo ko ang dibdib ko at bumigay ang tuhod ko ng lumukob sa akin ang paghihinagpis na pilit kong nilalabanan.

Muling namasa ang mga mata ko at nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagiyak. Pero nabigo ako ng manariwa sa alaala ko ang itsura ng spirit ko.

"Xiuh. " humihikbing tawag ko at hinayaan na ang sarili kong pakawalan ang mga luha ko.  I miss him.  So much. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ng wala siya.  At hindi ko na magawa pang magpatuloy.

Source.

Napadilat ako ng mata ng may maramdaman sa harap ko at ng itaas ko ang mukha ko ay nakita kong naglabas ng makapal na tila usok ang pinto ng Nether.

Halos tumigil ang puso ko sa takot na naramdaman ko.  Pero kahit gusto kong tumayo at lumayo mula sa pinto ay hindi ko magawa.

May kung anong nagpapanatili sa akin sa lugar ko.  At sa pinagtaka ko ay sandali lang nagtagal ang takot ko.  Unti unti yung nawala hanggang sa mapanatag ang buong katawan ko. 

Hinayaan ko ding maglandas lang ang mga luha sa pisngi ko at tila nahipnotismong tiningnan ang paglapit ng itim na ulap sa akin.

Sinundan ko yun ng tingin kahit pa ng umikot iyon sa akin. Muli kong pinakiramdaman ang sarili ko,  pero wala na talaga akong takot na maramdaman sa paglapit ng itim na pwersa sa akin. 

Maging ang lamig na dulot nito ay naghahatid ng kakaibang kapayapaan sa buong katawan ko.

Muling huminto ang itim na ulap sa harap ko.  Sandaling nanatili yun sa doon at kinailangan ko pang tumingala para lang makita ang pinakataas niyon. At ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko ng may mga pulang mata na unti unting dumilat sa likod ng itim na usok nito.

Source.

Muling tawag nito.  Iyon ang boses na kanina ko pa naririnig.  Ang boses na humatak sa akin dito. Kumilos ang ulap sa kanan nya at marahang lumapit sa akin . Na kita ko dun ang anyo ng isang kamay, na tila inilalahad niya iyon sa akin.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon