Chapter 2: Lost Soul

1K 94 17
                                    

*Avon POV*

"Sa tingin mo magagawa kong tulungan si Clynne?" Tanong sa akin ni Racquel.

Maging sila Kristine, Karen at Nolymer na kasama namin ngayon sa Great Library ay matiim akong tiningnan at tahimik na hinihintay ang sagot ko.

Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagusbong ng pagaasa dahil sa sinabi ko.

"Ang totoo... Hinala ko lang naman yun. Hindi pa ko sigurado." Nagaalinlangang sagot ko. Bumakas ang disappointment sa mga mukha nila at parang bumigat din ang dibdib ko sa nakita kong reaksyon nila. "Nagawa namin ni Teresa na tulungan si Marius. Kaya may posibilidad din na ikaw ang makatulong sa kalagayan ni Clynne." Mabilis namang dagdag ko.

"Pero Avon, mukhang may nakakalimutan ka. " wika ni Karen . Nakaupo siya sa kabilang panig ng mesa. Sa gitna nila Racky at Kristine. "Nagawa mong tulungan si Marius dahil nandyan ang Soul twin mo, at dahil sa kanya ay buo ang pwersa ng apoy para tulungan si Marius. Pero iba ang kay Racky."

"Tama siya." Segunda naman ni Nolymer na nakaupo sa tabi ko at kaharap si Racky. "Wala pa rin si Sallie. Kaya hindi mabubuo ang pwersa ng Aether. At kung sakali mang subukan ni Racquel na gawin ang sinasabi mo. May posibilidad lang na lumala ang lahat."

"Huh? At bakit naman?" Nalilitong tanong ko.

"Yun ay dahil... Wala tayong kasiguraduhan kong ano ang naging epekto ng nangyari sa loob ng Survival Room sa kapangyarihan ni Racky." Sagot naman ni Krisitine. "I mean. Oo at tinulungan siya ni Aislynn na linisin ang kaluluwa niya. Pero... Huwag nating kalimutan kung ano na ang nasa loob nya."

Luminaw naman ang isip ko sa sinabi nya at nagawa kong maintindihan ang ipinupunto nya. Napatingin ako kay Racky at nakita kong ganun din ang iba pa.

Napayuko naman si Racky at napahawak sa dibdib niya

"Ang pinto ng Nether." Mahinang usal nya.

Nakita kong tumango si Karen at napabuntong hininga.

"The fact na nasa kanya na yun... Ay nangangahulugan din na maaring humalo ang itim na kapangyarihan ng
Pinto sa oras na gumamit ng kapangyarihan si Racky. Hindi magiging problem kung gagamitin sa opensiba o depensa ang lakas nun. Pero kung ipapagawa mo sa kanya ang komonekta sa kaluluwa o life force ng iba... Baka maulit lang at hindi niya sinasadyang mabahiran ng kadiliman ang taong iyon."

"At sa lagay natin ngayon.. Hindi natin magagawang itama iyon." Dagdag ni Nolymer. "Maging si Racky hindi pa kaya ang ginawa ni Aislynn. Kaya malaking risk ang sinasabi mo."

Sandali kaming natahimik pagkatapos nun. Lahat kami tila nahulog sa malalim na pagiisip. Marahil ay gaya ko , humahanap din sila ng iba pang paraan. Ngunit, ng ilang sandali na ang lumipas at wala pa din sa amin ang nagsasalita ay may kutob akong wala ni isa sa amin ang nakahanap ng sagot.

"Baka...." Halos pabulong na sabi ni Kristine. Ngunit dahil sa katahimikan ng library ay nagawa naming marinig iyon lahat at bumaling sa kanya. "...may maitulong ang mga Elemental. Hindi ba at si Briar ang tumulong sa inyo para marealise ang posibilidad ng kapangyarihan nyo. Kaya baka may maisip din siyang paaran sa kalagayan ni Clynne! "

Napahugot ako ng hininga at para bang biglang gumaan ang pakiramdaman ko sa sinabi nya. Bakit ba hindi ko naisip na tanungin ang isang yun!

"Oo nga! Tanungin natin siya!" Mabilis na sabi ko at tumayo. Hindi ko rin napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.

Nakita ko din ng mabuhayan ng loob ang iba at saka tumango sa akin at tumayo mula sa kinauupuan nila.

Mabilis kaming lumabas ng library at kahit pa maraming estudyante ang napapatingin sa amin ay inignora namin iyon at nagdire diretsong lumabas ng pinto.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon