*Avon's POV*
"Are you insane?" Tanong ni Sai sa akin. Halatang shock pa din siya sa sinabi ko dahil titig na titig pa din siya sa mukha ko.
Tumikhim muna ko bago ako umiling sa kanya. "No. Seryoso ako. Kailangan ka namin para bumalik sa nakaraan."
"Why?"
Hindi si Sai ang nagtanong kundi si Vlad. Napatingin ako sa kanya at sinalibong naman nya ang mga mata ko. Bahagyang nakakunot ang noo niya at alam kong gustong gusto nya malaman ang dahilan ko.
"May kailangan kaming malaman mula sa nakaraan. Sa mga dating Source." Sagot ko.
"At ano naman ang kailangan nyong malaman?" Seryosong tanong ni Simon.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Hindi ko rin kasi alam kung dapat kong sabihin o hindi ang tungkol sa misyon namin.
"Sila ang punot dulo ng lahat ng to." Sagot ni Racky para sa akin. "Sila ang dahilan kung bakit may mga Tainted sa panahon natin. Kaya kung makakabalik kami at malalaman kung paano nila ginawa ang paghahalo ng kadiliman sa mga kaluluwa, Siguro mabibigyan kami nun ng idea kung paano sila mas malalabanan. O mas maganda kung malalaman namin kung paano iyon babaliktarin."
"Babaliktarin?" Tanong ni Jovy. "Balak nyo bang ibalik sa dati ang mga Tainted?"
"Bakit hindi?" Sagot naman ni Noly. "Hindi naman nila kasalanan ang nangyari sa kanila. Kagaya lang din natin silang lumalaban sa kadiliman, at nagkataon lang na mas malaking pinsala ang natamo nila."
"Sang-ayon ako." Sabi ni Racky at seryosong tumingin sa aming lahat. "Naniniwala ako na sa loob nila. Naroon pa din ang mga totoong katauhan nila. Nakita ko yun kay Clynne ng lukubin siya ng kadiliman. Pilit syang lumalaban, at nakikita pa din nya ang ginagawa ng katawan nya. Hindi malababong ganun din ang sitwasyon ng iba. They were trapped. At kung makakahanap kami ng paraan para alisin ang nagkukulong sa kanila... Hindi ba at mas maganda yun?"
Wala ni isa sa amin ang sumagot sa kanya. Pero kitang kita ko na kahit hirap mang tanggapin, ay alam nilang tama ang sinabi ni Racky.
"Isa pa... Kailangan naming gawin to para pigilan ang mga Tainted sa balak nila." Sabi naman ni Karen. "They need somethong inside the Academy. At hindi sila titigil hanggat hindi iyon nakukuha. Susubok at susubok silang bumalik para hanapin yun. At yun ang dapat naming pigilan. Kailangan namin silang unahan. Kung hindi... Mas malalagay sa peligro ang lahat."
"At ang pagbalik sa oras ang nakita nyong paraan? " tanong ni Jhasper.
Halos sabay sabay kaming tumangong lima.
"Ginagabayan padin kami ng mga dating Sources. At kung tama kami ng hinala ay gusto nila kaming pabalikin mismo sa oras nila." Sabi ni Kristine.
"Yun ang dahilan kung bakit kailangan ka namin Sai." Baling ko sa Elite ng Nacht. "Sa ngayon hindi pa alam ni Racky na kontrolin ang oras. At malaking sugal kung iyon ang gagamitin namin. Pero kung ikaw.. Mas malaki ang tyansang magtagumpay kaming makapunta sa panahong yun at makabalik sa panahon natin."
Sandaling tinitigan ako ni Sai. Nababasa ko sa mga mata nya ang pagaalinlangan. Pero kahit ganun ay umasa pa din akong papayag siya sa hiling namin.
Maya maya ay bumuntong hininga siya. "Nauunawaan ko ang gusto nyo. At sangayon ako sa hangarin nyo. Pero... Halos imposible ang ipinapagawa nyo." Sabi niya na kinalito namin.
Maging sila Simon tila naguluhan sa sinabi ng kaibigan niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong pa ni Caleb.
BINABASA MO ANG
Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness)
FantasyMy name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan nabububay ang ibat ibang nilalang at halimaw. Noon, balot ng kadiliman ang puso at diwa ko, at wal...