Chapter 16: Team Nacht

764 67 1
                                    

*Avon's POV*

"Magpahinga muna tayo dito." Sa wakas ay sabi ni Clynne matapos ang nakakapagod na paglalakad namin paikot ng gubat.

Halos mapungol kami sa pagod ng iisa isa kaming maupo sa gilid ng punong malapit sa amin.

Maging ako nangangalay na ginalaw ang mga balikat matapos ilapag ang bitbit na gamit.  Inunat ko din ang mga nanakit na binti ko.

Halos ganun din ang ginawa ng ibang kasama ko.  Bakas na bakas sa amin ang pagod sa halos dalawang araw namin dito sa gubat. Hindi rin kasi nakatulong ang maiksing tulog namin kagabi.  Bukod sa hindi komportableng matulog sa mabatong lupa ay nanatili pa rin kaming alerto sa banta ng panganib na pwedeng dumating.

Maging si Clynne at Vlad ay halatang pagod na.  Pero sa amin namang lahat silang tatlo nila Xavier ang mukhang may lakas pa.

Napatingin ako kay Vlad at napabuntong hininga.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ko pinapansin.  Matapos kong ibalik ang harang naming dalawa.  Hindi naman sa lantaran nya kong iniiwasan.  Pero nanatili siyang tahimik pag nagkakalapit kaming dalawa.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko kung paano pa maayos ang ginawa ko.

Ibaba ko kaya ang harang sa pagitan namin?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad na umusbong ang hiya sa buong katawan ko sa naiisip.  Hindi ko pa ata kaya.  At hindi ko pa alam ang gagawin kung sakaling maramdaman nya ang mga nararamdaman ko. 

Inalis ko ang tingin sa kanya at niyuko ang mga kamay ko.  May maliliit na gasgas doon dala ng paghawi namin sa makakapal na halaman mula pa kanina.

Bukod dun ay may naiiwan pangsugat sa huling pagsubok na nakuha namin.  Halos nakakatatlong Treasure point na kami.  And so far...  Maganda naman ang nagiging resulta.  Kahit na feeling ko ay pahirap ng pahirap ang laro. 

Sa huling Treasure point nga ay kinailangan naming magtulong tulong  para pabagsakin ang isang malaking nilalng na anyong lobo.  At ang kondisyon...  Hindi namin yun maaring saktan o sugatan. 

So hindi namin pwedeng gamitin ang mga sandata ng kasamahan ko.  Lalo na ang kapangyarihan namin ni Vlad at Thalia.

Naiwan tuloy sila Clynne na humanap ng paraan.  Nung una,  panay iwas lang kami habang iniisip ang gagawin.   Pero ng magsuggest si Xavier ay saka lang kami nagsimulang kumilos.

Ginamit ni Nica ang mga halaman sa paligid namin , at gaya ng una nyang ginawa ay pinakilos niya ang mga baging sa paligid na hawakan ang higanteng lobo sa mga paa nito. Ng saganun ay makapunta si Clynne at David sa magkabilang panig nito at makagawa ng isang tila pyramid na harang na syang nagkulong sa kalaban.  Pagkatapos ay nagpakawala si Xavier ng kakaibang mist sa loob ng harang nila Clynne. 

Doon nagwala ang lobo at pilit kumawala.  Hindi umubra ng matagalan ang mga halaman ni Nica kaya naiwan sila David at Clynne na sumasalo ng atake ng lobo sa harang na ginawa nila.

Iilang ulit ko sila nakitang nahihirapang napangiwi at kinabahan ako na baka hindi nila matagalan ang sitwasyon.

Pero mabuti nalang at habang tumatagal ay umiipekto ang mist ni Xavier.  Unti unting humina ang atake ng lobo sa harang nila Clynne.  Hanggang sa tila sumuray yun sa pagkakatayo at inaantok na bumagsak sa lupa.

Parang walang kumilos o huminga man lang sa amin habang pinapanood namin ang mata ng lobo.  Halatang nilalabanan niyon ang antok pero hindi naman niyon mapigil ang pamimigat ng talukap ng mga mata at napapapikit.  Hanggang sa sumara ang mga iyon at sa loob ng isang minuto ay hindi na muli pang dumilat.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon