Chapter 15: Tiles

733 69 15
                                    

*Avon's POV*

Tila sandaling tumigil ang takbo ng mundo ko.  Wala akong marinig o maramdaman habang gulat na nakatingin sa higanteng bato sa harap ko.  Sandaling nanatiling ganun habang tila prinoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.  Pagkatapos ay tila unti unting bumalik sa dati ang lahat. 

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ang pagbilis din ng kilos ng kalaban ko.  Nakita ko ang mabatong kamay niya na inumang nya para suntukin ako.

At kahit alam ko na dapat akong umiwas ay hindi naman makapagdesisyon ang utak ko sa kung saang direksyon ako pupunta.  Parang natataranta pa din to sa mabilis na pangyayari.

Kusang kumilos ang katawan ko bago pa man makapagdesisyon ang utak ko. 

Tumalon ako pakanan at gumulong paiwas sa kalaban.  Halos mabingi ako ng tumama ang kamao niyon sa harang na nakapaligid sa amin.  At tila nayanig din ang mundo sa lakas ng impact nun.  O dala lang yun ng matinding vibration sa loob ng tile?

Hindi ko masabi kung ano,  at wala na rin akong oras magisip. Muli akong tumayo at pumunta sa kabilang panig ng tile.

Halos manlaki ang mata ko ng makita kong halos nadurog din ang bato sa kamay ng higante sa lakas ng pagkakasuntok niya sa harang. 

Napalunok pa ko ng maisip ang maaring sapitin ko kung sakaling hindi ako nakaiwas agad.

Binawi ng golem ang kamay niya at dahan dahang humarap sa akin.  Nangilabot ang buong katawan ko at para bang tila kamatayan ko na ang unti unting tumitingin sa akin.

"Avon!"

Narinig kong sigaw ni Vlad.  Kasabay ng tila pagbanga niya sa harang na inilagay ko sa pagitan namin. Sandali rin akong nawala sa focus sa pagkabigla bago ko ibinaba ang harang namin.

At kasabay ng muling pagatake ng golem ay ang malakas na sigaw nya sa isip ko.

Ilag! 

Muli akong kumilos para iwasan ang atake.  Halos gahibla nalang ang distansya nun sa akin at parang naramdaman ko ang pwersa ng suntok nun sa hanging mabilis na dumaan sa pagitan namin.  Tumakbo ako sa likod niyon.

Use your power!

Muling sigaw ni Vlad sa loob ng isip ko.  Medyo napangiwi pa ko sa tindi ng pagkakasigaw niya.  Ramdam ko din ang tila pagpapanic niya at ganun din ang frustration niya.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng link ko at humila ng matinding kapangyarihan kasabay ng paghinto ko sa likod ng golem.

Itinaas ko ang mga kamay ko kasabay ng paglabas ng pulang flare sa katawan ko.  Mabilis kong pinapunta at inipon sa mga palad ko ang kapangyarihan.  Hanggang sa may lumabas na alab dun.  Lumaki iyon ng lumaki,  at ng humarap sa akin ang golem ay saka ko iyon buong lakas na ibinato sa kanya.

Dumagundong ang buong tile ng tumama ang atake ko sa matigas na katawan nito,  at literal na parang nabingi ako sa pagsabog. 

Tatakpan ko sana ang mga tengga ko para protektahan iyon ngunit nakita kong nagbitak bitak ang katawan ng golem. 

Napaumang ang labi ko ng marealise ang nagyayari. At mabilis na muling tumawag ng kapangyarihan at gumawa ng malaking apoy na harang.

Kasabay ng pagsigaw ng golem ay ang pagtagos ng Fireball ko sa katawan nito at ang tuluyang pagkasira niyon.

Hindi ko alam kung babatukan ko ang sarili ko o ano.  Dahil halos magbackfire ang ginawa ko. 

Literal kasing umulan ng tipak tipak na bato sa loob ng tile dahil sa impact ng pagsabog ng fireball ko sa katawan niyon.  Worst...  Para silang maliliit na bulalakaw dahil sa alab kong tumutupok sa mga bato.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon