Chapter 10: Duel

846 69 3
                                    

*Avon's POV*

Tunog ng mga nagbabanggaang sandata at kapangyarihan ang pumupuno sa loob ng malaking training room.  At kahit saan ako tumingin ay may mga estudyanteng naglalaban.

Pero kahit nakaupo lang ako sa gilid at nakahiwalay sa kanila ay ramdam ko naman ang adrenaline sa buong katawan ko.  Na para bang isa ko sa mga naglalaban. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanilang lahat dahil sa pagkamangha at paghanga ko sa galing nilang makipaglaban.

Ibang antas na talaga ang kakayahan ng mga Elites.  At kahit tumindi na ang pagsasanay naming mga nasa Advance ay higit na mas matindi parin ang sa kanila.

Walang pagaalangan ang kilos nila.  Ganun din sa paggamit ng kapangyarihan.  At kailangan ko pang paulit ulitin sa sarili ko na training lang to, at hindi totoong naglalaban.  Pero kahit ganun ay hindi ko maiwasang mapigil ang hininga ko sa mga sandaling tumitindi ang laban nila.

Bawat isa ay nais pabagsakin ang kalaban nila at basagin ang Shield na ginawa nila. 

Nakakamangha ding makita ang ibat ibang paraan ng paggamit nila ng Spirit Force,  Skills at kapangyarihan.  At kahit wala akong gawin kundi ay umupo,  ay nagagawa namang iabsorb ng utak ko lahat ng ginagawa nila.

Hindi ko rin mapigil ang pagtakbo ng utak ko.  At sa loob ng isip ko ay nakikipaglaban din ako gamit ang mga nakikita ko sa kanila.

Mas mabisang training to sa akin. Kumpara sa training ko noon. 

Nakita ko ang iba na naglalabas ng pulang malalatigo o hindi naman ay laso at kadena.  Matitingkad ang kulay nun pero hindi naglalabas ng alab.  Ganun pa man ay nakikita kong nakakapaso iyon  kung madidikit sa ibang bagay.  Ang iba,  hinuhulma ang Spirit force nila bilang baluti. Mula sa kanilang sandata ay gagapang ang kapangyarihan sa katawan nila hanggang magbigay yun ng tila makapal na armor. Nakita ko rin kung paano sila prinutektahan nun mula sa atake.  Mapaskill o kapangyarihan man.

Ang iba naman,  matitindi ang kapangyarihan,  gaya ni Lex na malalaser.  Siya ang naalala kong nagbanggit ng mantra ng Lumiere kanina.  Mabilis ang kapangyarihan nya at pwede siyang gumawa ng maramihan na magmimistulang pisi sa paligid. Ilang beses na din nadikit dun ang katunggali nya at kung hindi lang din mabilis kumilos iyon at gumawa ng makapal na baluti ay baka natapos na ang laban.

Tiningnan ko ang tila kahong crystal na bumabalot sa bawat magkakapareha.  Sapat lang ang laki nun para sa isat isa para makakilos ng maayos,  at nagagawa nung ikulong ang kapangyatihan nila para hindi makasagabal sa iba pang naglalaban.

Bumaling ako sa pinakagitna ng silid kung nasaan ang pinakamalaking crystal na kahon.  Napakataas din nun at halos umabot sa kisame.  Pero kahit sobrang laki nun ay nagmistulang masikip yun sa dalawang fire dragon sa loob nun. 

Magkaiba ang tingkad nila,  kaya kahit halos pumulupot na sila sa isat isa ay nagagawa ko pa ding malaman kung nasan ang apoy ng bawat Caster.

Nakita kong bumuka ang bibig ng dalawang dragon at kahit hindi ko naririnig ay alam kong malakas ang Dagundong nila sa loob ng crystal.  Ganun pa man ay hindi yun alintana ng mga naglalaban na Caster nila at patuloy ang mga sandata nila sa pagbabanggaan,  gaya ng patuloy na paglalaban din ng mga Element Cretures nila.

Mukhang kahit binawi ni Vlad ang hamon nya kay Rona ay nakuha naman nya ang gusto nya.  Dahil sila ang pinagpareha ni Sir Daemon para maglaban.  Sa simula palang ay matindi na ang inilabas nilang kapangyarihan,  at kahit tila nasasabayan ni Rona ang lakas ng apoy ni Vlad ay tila hirap naman siyang pantayan ang bilis at pisikal na lakas ni Vlad. 

Kitang kita mula sa kinauupuan ko ang mabilis na paghinga niya.  Ganun din ang tensyon sa katawan nya.  Napapagod na siya.  Habang patuloy namang nagpapaulan si Vlad ng atake.

Embrace of Fire (Book 2 of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon