LETHIZIA
Ang bilis naman talaga ng panahon mahigit isang linggo na rin pala kami rito sa jeju hyss yun dating pinlano namin na sa palawan nauwi na lang sa Jeju di na rin kasi namin naasikasong umuwi ng Pilipinas pero okay na rin mukang dito na rin kami magpapasko sa Korea.
"Hey Lethizia tikman mo itong bacon oh luto na yung mga to". Tawag sakin ni Carol kaya tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa buhangin.
"Woww dami naman nating pagkain hapunan na ba yan?"
"Ano sa tingin mo? 6:30 na oh". Sabi naman ni Charlotte.
"Nagtatanong nga eh diba"
"Hahaha sige na Lethizia kumain ka na ng kumain at uuwi na rin tayo bukas ng umaga".
"Ano kamo Cindhie? Kala ko ba gabi pa tayo uuwi?"
"Hyss mabuti na yung maaga para naman makapagpahinga pa tayo bukas".
"Hysss sige"..
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa rest house at doon nagkuwentuhan at makalipas ang maraming oras ay napagod rin naman kami kaya agad ng nakatulog.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CHANGSEO
Hating gabi na pero di parin ako makatulog gusto ko ulit tawagan si Junghoon tutal nasa Pilipinas pa naman siya gusto ko sanang papuntahin si Junghoon sa pamilyang kumupkop sakin sa pagbabakasakaling malaman kung sino ang talaga ang ama ko dahil ngayon hindi na ako makuntento sa picture lang na hawak ko lalo na nung makita ko pa iyon sa office ni Mr. Lee.
Kaya please Junghoon sumagot ka naman na oh please naman.
"Hello"
"Uyy Junghoon puwede humingi ng favor?"
"Anong favor naman?"
"Anong oras ka ba uuwi bukas?"
"10:00am aalis na ko"
"Ahh tamang tama pwede ka bang sumaglit sa mga magulang ko sa Pilipinas? Yung mga kumupkop sakin di ba alam mo naman iyon?"
"Oo natatandaan ko pa, may ipapasabi ka ba?"
"Gusto ko lang sanang malaman ang katotohanan tungkol sakin kung sino talaga ang ama ko please tumawag ka sakin pag nandoon ka na at kakausapin ko sila para matapos na itong iniisip ko dahil kahit na itinago nila iyon sakin alam kong alam parin nila ang totoo".
"Sige gagawin ko yan".
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
JUNGHOON
Mukang katulad ko gusto rin niyang malaman ang tungkol sa ama niya, hindi na ako nakatulog sa dami ng iniisip hinintay ko na lang mag umaga at ng tuluyan nang sumikat ang araw ay lumabas na ako para puntahan ang kumupkop kay Changseo.
"Tao po!"
"Tao po!" Paulit ulit kong sigaw habang kumakatok pero wala paring nagbubukas ng pinto aalis na dapat ako ng biglang may tumawag sakin".
"Iho..ikaw ba yung kumatok?". Sabi ng mediyo maedad ng babae na parang hirap maglakad agad ko naman siyang nakilala.
"Ahh opo ako nga po".
"Oh ay ikaw pala di ba't ikaw ang kaibigan ni Changseo ko?"
"Opo ako nga po".
"Oh eh kasama mo ba siya ha?" Nakangiti niyang tanong.
"Ahh hindi po eh pero pinapunta po niya ako rito dahil gusto raw po kayong makausap".
"Ahh ganun ba o sige umupo ka muna".
Tinawagan ko na agad si Changseo at agad naman niya itong sinagot.
"Hello"
"Hey nandito na ko iaabot ko na sa kaniya ang phone ko".
BINABASA MO ANG
Who's The Young Boss? [COMPLETED]
FanficLife is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identities their lives will suddenly change in an instant. Sa pagkukrus ng landas ng limang lalaki at ng ap...
![Who's The Young Boss? [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222425276-64-k533961.jpg)