Chapter 56

8 2 0
                                    

CINDHIE
“Hyss ang bilis ng panahon bakasyon na naman miss na miss ko na si Lethizia kailan kaya babalik yung babaeng yon”

“Cindhie apo bakit hindi ka pa gumagayak at nag aayos ng gamit mamaya maya lang ay parating na ang mga kaibigan mo”, sigaw ni lola Sally habang nagluluto ng breakfast namin.

“Ahh lola Sally mabilis lang naman po iyon saka paano po pala pag umalis na kami kayo na lang po mag isa rito”

“Ahh siguro uuwi na lang muna ako sa bahay namin”, nakangiting sabi ni lola Sally.

“Ahh lola huwag na po huwag na po kayong umuwi sunduin niyo na lang po sila dito po muna kayo mag stay sa bahay hanggat walang tao saka for safety na rin po”

“Nako apo nakakahiya naman malilikot ang mga apo ko”

“Nako okay lang po iyon panigurado pong mag eenjoy sila rito haha”

“Siya nga po pala lola nasaan na si Dona?”

“Nandito ako kakayari ko lang po maligo!”, masayang sabi ni Dona nakakatuwa din at marunong na siyang umintindi at magsalita ng tagalog kahit di ganon ka fluent pero mas masaya ako dahil naging close na ulit kami yung wala ng plastikan itinuring na namin ang isa't isa na magkapatid since nakatira na ulit kami sa iisang bahay.

Noong una ay hindi natuwa ang mga kaibigan ko sa ginawa kong pakikipag ayos kay Dona pero naisip ko kasing kawawa na rin siya ngayon alam ko namang ginamit lang rin siya ng mama niya eh kaya nakonsensya ako na gumanti sa kaniya dahil kahit papaano naman naramdaman ko din noon ang kabaitan niya sakin ngunit pinipigilan niya lang iyon thankful pa nga ako dahil sa ginawa niya sakin nung gabing iyon eh dahil kundi ako nasugod sa hospital hindi ko pa malalaman na sobrang mahina na ang puso ko at kailangan nang palitan kaya nga siguro everything happens for a reason at ang kailangan mo lang talaga ay isipin ang positive reason ng mga nangyayari sa buhay mo at hindi laging negative.

Inayos na namin ni Dona ang lahat ng aming dadalin hinihintay na lang namin ang lahat ng mga kaibigan ko na pumunta rito para maihatid na kami ng driver ko sa airport yes sa airport dahil magbabakasyon kami sa pilipinas dahil kahit kailan Philippines parin ang the best place for me lalo na pag summer vacation at alam ko mag eenjoy rin si Dona doon kahit first time niya palang sa Pilipinas.

Maya maya pa ay dumating na rin sila dala dala ang kanilang mga bagahe.

“Nako Cindhie kakasya ba ang mga gamit namin?”, nag aalalang tanong ni Carol.

“Ahhmm mukang hindi eh”, nauutal utal kong sabi ng makita ang mga dala nila.

“Don't worry inasahan na namin ito dadating na rin yung van namin hahaha”, sabi ni Changseo.

“Wow so magdadalawang kotse pala tayo”, gulat kong sabi.

“Oo naman diyan na kayong mga girls doon na kaming mga boys sa isang kotse”, sabi ni Junghoon.

“Oh teka bakit parang kulang yata kayo nasaan si Yeonsuk at Eunho?”

**Beep**

“What are you waiting for? Com'on let's go”, masayang sabi ni Yeonsuk pagkababa ng window ng van at siya ang nagmamaneho nito at katabi niya yung driver nila na siya rin sigurong mag uuwi ng van itatanong ko pa sana kung nasaan si Eunho nang bigla na lang silang magsipag unahang pumasok sa van.

Lumingon muna ako sa bahay at nakitang nakatayo roon si lola Sally at nang makita ako ay kumaway ito sakin kaya gaya niya ay ngumiti rin ako ay kumaway sa kaniya.

“Ano bang baon niyo diyan?”,.tanomg agad ni Charlotte nang makapasok kami sa loob ng van.

“Puro junkfoods kasi ang dala namin eh”, dagdag pa nito.

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon