Chapter 55

56 2 0
                                    


CHANGSEO
Kakababa ko lang ng kotse ng saktong nasa tapat na ako ng bahay nila nagmadali na akong pumasok kahit hindi tumatawag mabuti na lang at nakabukas ang pinto ng bahay nila hinanap ko siya sa loob pero wala siya roon ng maisip ko kung saan siya pwedeng pumunta.

Nagmadali akong umakyat sa rooftop ng bahay nila hindi ako pwedeng mahuli malapit ng magsaktong 8:00pm.

Nang makaakyat na ako agad ko naman siyang nakita nakatingala lang siya sa langit kaya di niya ako napansin.

“Sana lahat may ka date!!!”

“Sana lahat sinusurprise!!!”

“Sana lahat may kasamang manonood ng meteor shower!!!”, sunod sunod na sigaw ni Charlotte kaya tahimik akong tumawa.

“Sana maganda ako, sexy, cute, cool para nagustuhan din ako ni Changseo!!!”, bigla akong natigilan sa sinabi niya at nagulat ng marinig ang pangalan ko papalapit na sana ako ng bigla siyang magtatalon habang nakatingin sa taas kaya napatingin na rin ako at nakita ang paglabas ng mga meteor shower.

“Sana lahat may mata para makita na niya ko!!!”, di ko akalaing mapapasigaw rin ako.(~_~メ)

“AHHH anong ginagawa mo dito?!”, gulat niyang sabi.

“Bakit bawal bang maki join?”

“Tse kaya ko naman mag isa humanap ka na lang ng ibang babaeng gusto mo makasama dun ka na kay Seohyeon mo”

“Hindi mo na kailangan pang maging sexy, cute at cool at lalong hindi mo kailangang magselos kay Seohyeon”, sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya pero agad naman niya itong tinanggal.

“Teka nga! At bakit? alam ko na to eh babustedin mo na naman ako at iiignore kaya ayaw mo—”, hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng pisilin ko lang mga pisngi niya.

“Alam mo kahit na lamukusin ko pa yang pagmumukha mo ikaw parin ang magiging pinaka maganda sa paningin ko kahit pa masabuyan ka ng asido sa mukha at mangudngod ka sa putikan ikaw parin ang mas pipiliin kong makasama”

“Grabe ka naman mas okay nang hindi mo ko piliin huwag lang mangyari sakin yung mga iyon”

“Siyempre example lang iyon ibig sabihin lang non kahit ano pang mangyari di na magbabago ang isip ko kase nakapili na ako ng babaeng seseryosohin ko at iyon ay walang iba kundi—”

“Sandali!”, pagputol niya sakin.

“Oh bakit anong problema?”

“Baka kasi nananaginip na naman ako pakisampal nga ako”

“Oh seryoso ka?”

“Oo sige na baka kasi nananaginip kang ako eh bilis!”

“Arayyyy!!! May galit ka ba sakin ha?!”, galit ba galit niyang sabi.

“Ha? Bakit masakit ba? sabi mo kasi—”

“Alam mo naman palang nasa reality tayo pero sinampal mo parin talaga ako at sobrang lakas pa humanda ka sakin Nam Changseo!!”

“Ha? Bakit ba sinabi mo sampalin kita eh! Uyy ano ba tama na sayang yung meteor shower oh once in a lifetime lang yan!”

“Wala akong pake panonoorin ko na lang sa YouTube!!”
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
JUNGHOON
Totoo nga ang sinabi nila kamangha mangha di ko maipaliwanag pero wala na lang akong ibang nagawa kundi ang mapatulala.

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon