Chapter 54

57 2 0
                                        

LETHIZIA
Ilang buwan na din ang nakakalipas pero hindi ko parin siya maalis sa isip ko di ko mapigilan ang sarili kong isipin siya ang lungkot at ang sakit ng mga nangyari kaya mahirap alisin iyon kahit na ilang beses akong tumawa panandalian lang iyon at maaalala ko na naman ang lahat hindi ko magawang magconcentrate sa pag aaral sinusubukan akong kausapin ng mga kaibigan ko lalo na ni Eunho pero di ako nakikinig gusto ko na lang na laging mapag isa gusto ko na lang na bumalik sa spain at least nung nandoon ako maayos naman kami mas okay pa yung magkakahiwalay kami walang masamang nangyayari.

Masakit man sabihin pero ayoko na talaga di ko na kayang mag stay pa rito, alam kong masasaktan ang mga kaibigan ko pero... buo na ang desisyon ko doon ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CAROLINE
Bilang ako ang pinakamatanda sa amin nasanay na ako na laging over protective gusto ko lagi kong nalalaman kung nasaan sila dahil sobrang mahal ko ang mga kaibigan ko di ko kayang mawala sila pero sa mga nangyari bigla akong napanghinaan ng loob sinasabi ko lang na okay na ako sa kabila ng mga nangyari dahil gusto ko din na maging okay na sila gusto kong bumalik ang dating saya ng pagkakaibigan namin pero palagi na lang akong nabibigo hindi ko na alam ang gagawin ko kung kaya ko lang sanang ibalik ang nakaraan.

CHARLOTTE
Palagi na lang akong lutang sa klase at hindi ngumingiti o nagsasalita ang boring na ng uwian di katulad noon pag umuuwi ako kasama silang tatlo minsan diretsiyo kami sa coffee shop o kaya papasyal muna kami yung madalas nilang pagtambay at pagtulog sa bahay namin lahat ata iyon magiging ala ala na lang kumbaga sa story kung ito na nga ang ending ibig sabihin ang story ng buhay naming magkakaibigan walang happy ending kung tuluyan na kaming maglalayo layo di ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari baka kailangan ko na lang talaga tanggapin ang lahat pero kahit na ganon di ko pinagsisisihan na naging kaibigan ko kayo sobrang saya ko nga kasi minsan niyo na rin akong napasaya.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
SIJUN
“Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin kay Junghoon lagi na lang siyang nakatulala minsan umiiyak saka ayaw niya kumain”, nag aalala kong sabi kay Changseo.

“Hyss lahat naman yata tayo eh hindi nga lang ganon kasakit sa ating dalawa kasi si Junghoon alam kong minahal na niya si Cindhie saka tignan mo si Carol palagi siyang nakatulala sa klase mahirap din naman kasing bumalik sa dati paniguradong iniisip pa rin niya si Cindhie”

“Oo ganon din si Charlotte siyempre ilang taon na rin silang magkakaibigan”

“Pero teka si Lethizia ba nakikita mo?”, biglang tanong ni Changseo.

“Actually I have no idea kung nasaan siya hindi ko na siya napagkikikita ngayon”

“Bakit di natin itanong kay Eunho?”

“I don't think alam kasi kung alam niya malamang si Lethizia ang kasama niya at hindi yung mga kaibigan niya”, sabi ko ng makita sa bandang dulong table ng canteen sila Eunho.

Aalis na sana kami ng biglang may tumawag samin.

“Changseo Sijun wait!”

“Oh Eunho, why?”

“Did you see Lethizia or do you know where she is? Did she attended class today?”, sunod sunod na tanong ni Eunho.

“Wait wait Eunho we're sorry but we also didn't know we also didn't see her inside the university”, sagot ko.

“Yeah bro we're so worried about her”

“This is not good”, sabi ni Eunho saka nagtatakbo.

“Hey bro where are you going!?”, sigaw ng mga kaibigan niya pero hindi na sila pinansin pa ni Eunho.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
JUNGHOON
Nasaakin na ang lahat pero bakit ganito parin ang nararamdaman ko bakit pakiramdam ko may napakalaking parte sa aking buhay ang nawawala na parang di matutumbasan lahat ng meron ako ngayon yung bahaging iyon na nawawala parang nawalan na ako ng paki sa lahat ng bagay pinipilit kong ngumiti sa tuwing haharap ako sa mga kaibigan ko ngunit hanggang doon lang hindi ko gustong ipakita sa kanila kung gaano ako nasasaktan mas okay na yung mag isa ako kaya ko naman e but I really miss her if only I can give my heart on her I will do just to make her stay here and never leave me, hindi ko na lang naiwasang humagulgol akala ko hindi na ako maiiyak pa sa sobrang dami ko nang naiiyak noon pero tila yata hindi ako nauubusan ng luha.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
THIRD PERSON
Nawala sa sariling pag iisip si Dona kaya napilitan siyang ipadala sa mental hospital samantalang ang kaniyang ina ay nanatili pa rin sa loob ng kulungan pati ang stepfather ni Dona na kasabwat ni Mrs. Choi kung tutuusin ay maayos na ang lahat wala nang gugulo pa sa buhay ng mga magkakaibigan inaresto na rin ang mama ni Yeonsuk matapos mapag alamang kasabwat ito sa pagpatay sa mga magukang ni Cindhie maging sa pag set up sa ama ni Yeonsuk at ina ni Cindhie na naging dahilan kung bakit napilitang umalis ang ina ni Junghoon kasama siya ngunit masakit man para kay Yeonsuk ay pikit mata niyang ibinigay ang kaniyang ina sa mga pulis itinuro niya sa mga pulis ang kinaroroonan ng kaniyang ina kahit na wala itong kaalam alam na magagawa ni Yeonsuk iyon.

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon