LETHIZIA
“Huy ano ba isip naman kayo nang magandang gawin mamaya para sa debut ko hello I'm turning 18 di na ako bata”, inis kong sabi dahil mga naghiga lang sila.
“Wait lang naman muna kakabalik lang natin eh saka bukas pa naman tayo babalik ng korea atat na atat ka naman”, sabi ni Charlotte.
“Eh ganito kasi gusto ko sana dito na lang tayo mamili ng gagamitin like yung mga kakainin natin dito na lang tayo bumili miss ko na rin kasi foods dito eh”
“Hmm sabagay kaso huwag naman sobrang dami makakabigat lang sa dalahin natin eh”, sabi ni Carol.
“Okay basta mamaya bibili tayo ah”
“Sige sige pahinga lang muna us”
Nandito muna kami sa bahay nila Carol samantalang si Cindhie ay sa dati niyang tinitirahan kasama ang anti Mona niya si Changseo at Sijun naman ay sa dating nag ampon sa kanila at ganon din si Junghoon.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CINDHIE
Ano ba yan ang tahimik naman dito pero in fairness namiss ko itong kuwarto ko ah at grabe naaamoy ko na naman ang aroma nung niluluto ni anti Mona hyss nagugutom na naman ako.
Bumaba ako para puntahan si anti Mona gusto ko rin kasi makita kung ano ang niluluto niya at halos makababa na ako ng hagdan ng biglang may nagdoorbell.
“Oh sino naman kaya iyon?”, sabi ni anti Mona.
“Ayy teka lang po baka po mga kaibigan ko na iyon”, sabi ko at dali dali nang pumunta sa gate para buksan ito ngunit halos malaglag ang panga ko sa nakita kahit malaki ang nagbago sa katawan at itsura niya ay kilalang kilala ko parin siya.
“Oh a..anong ginagawa mo dito? Bakit.. di ka manlang nagsabi?”, nauutal kong sabi.
“Ala gusto lang sana kitang supresahin at ayan di naman halatang gulat na gulat ka e hahaha”
“Hayy nako nagbago nga ang itsura mo pero yang ugali mo ganung ganon parin”
“Nagbago? Bakit mas gumwapo ba ako ngayon ha?”
“Eww tumigil ka nga saka ilayu layo mo yang mukha mo sakin kung ayaw mong masapak”
“Hahaha di ka parin nagbabago Margareth”, nagulat ako nang marinig ang pangalang iyon dahil wala namang ibang nakakaalam nito.
“Paano mo nalaman yun?”
“Alin yung pangalang tinawag ko sayo? Haha di mo ba naaalala ginamit mo kaya yon sa isang online game at akala mo ba maikakaila mo na ikaw yon hahaha”
“Teka naglalaro ka din ba ng—”
“Shhh oo na lang at alam mo bang makailang beses na kitang pinatay don”
“Nyaiishhh kaya naman pala eh bwiset ka! Bwiset ka talaga pero sobrang tagal ko na ring di nalalaro yon busy na kasi ako”
“Hayy nako pumayat ka na nga eh samantalang nung ako kasama mo lagi kang busog di ka manlang yata inaayang kumain ng boyfriend mo eh tara sama ka sakin!”
“Oh teka saan naman tayo pupunta? Treat kita alam kong namiss mo mga kainan dito e”
“Nang ganito suot ko nakapambahay pa ako Nicolo!”
“Hayy nako parang nangyari na ito dati ah sige na magbihis ka na”, sigaw ni Nicolo kaya naman nagmadali na akong pumasok sa loob.
NICOLO
Hyss kahit kelan talaga siya ang lungkot lang isipin saglit ko lang siyang makakasama after nito hindi ko na naman siya makikita.
BINABASA MO ANG
Who's The Young Boss? [COMPLETED]
FanfictionLife is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identities their lives will suddenly change in an instant. Sa pagkukrus ng landas ng limang lalaki at ng ap...
![Who's The Young Boss? [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222425276-64-k533961.jpg)