Chapter 50

67 2 0
                                        

CHARLOTTE
“Ang hirap naman nito ang hirap talaga kapag wala tayong katulong puspusan tayo sa gawaing bahay o”, inis kong sabi kay Carol.

“Hay nako wag ka na lang magreklamo bilisan mo na lang kaya dahil mamaya maglalaba naman tayo tambak na ang labahin ang dalas mo kasi magpalit ng damit”

“Hyss di talaga ko sanay kahit sobrang tagal na nating walang yaya, bakasyon kasi ngayon kaya dito rin tayo sa bahay kumakain at nagkakaroon pa ng urungin”

“Oh heto pa pala naiwan mo pa yung—”, biglang naputol ang sasabihin ni Carol ng may parang narinig akong nabasag.

“Oh Carol anong nangyari?!”

“Bi..bigla ko na lang nabitawan yung baso eh dumulas sa kamay ko”, nanginginig niyang sabi.

“Hayaan mo na yan baso lang yan bumili na lang tayong kapalit”

“Hindi Charlotte eh may iba kong nararamdaman eh”

“Huh like what?”
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
JUNGHOON
Kung ganon sila nga yung humahabol kay Cindhie ano kayang dahilan kaya ginawa nila ito pero sa mga oras na ito walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Cindhie naalala kong kotse nga pala niya ang sumabog na iyon.

Nang tuluyan na silang makaalis ay dahan dahan akong naglakad palapit sa nagliliyab na kotse ang daming sumasagi sa isip ko habang naglalakad naisip ko pang umatras dahil kung totoo nga ay baka makita ko pa siya sa loob non na nasusunog pero kailangan kong makasiguro kailangan kong masiguro kung nasa loob siya.

Hinampas hampas ko ng jacket ang salamin ng kotse upang mahawi ang apoy pero hanggang ngayon ay wala parin akong nakikitang tao sa loob kaya't nilibot ko ng tingin ang buong paligid.

Posible nga kaya talagang buhay pa siya? pero saan naman siya maaaring pumunta bigla akong napadungaw sa bridge dahil iyon na lang ang pwede niyang gawin kung sinundan siya ng kotseng iyon naisip kong baka tumalon siya rito.

Mas iniyuko ko pa ang katawan ko para makita ang pinakababa ng may makita akong nagpapalutang lutang roon at nakasisigurado akong tao iyon.

Di na ako nagdalawang isip na tumalon sa bridge para sagipin ang nalulunod posibleng si Cindhie iyon narinig ko pa ang sigaw ng mga taong dumating na pinipigilan pa ako sa gagawin pero di ako nagpatinag.

Nang mahawakan ko siya alam ko na agad kung sino siya kaya iniahon ko siya dahil tuluyan na siyang nalunod at walang malay at ng makaahon na kami ay ipinump ko ang chest niya para mailabas niya ang tubig sa katawan pero hindi parin siya nagkamalay kaya't hindi ako tumigil hindi siya pwedeng mamatay ilang beses ko parin sinubukan pero walang nangyari hanggang sa sumuko na lang ako at walang ibang ginawa kundi umiyak.

“Cindhie please don't die hindi pa ito ang tamang panahon para mamatay ka hindi pa nga tayo nagkakaayos Cindhie gumising ka!”

Bigla akong natigilan ng marinig siyang umubo. “Teka totoo ba ito buhay ka Cindhie”, sabi ko ng may ngiti sa labi pero naalala kong hindi pa nga pala kami nagkakaayos kaya't binago ko ang ekspresiyon ng aking mukha maging ang pananalita.

“Tumayo ka na diyan, pasalamat ka sakin iniligtas kita”, seryoso kong sabi
“Paano mong—”, pinutol ko agad ang kaniyang sasabihin.

“Huwag ka nang magsalita yumuko ka may mga tao doon mahirap na na malaman pa nila na ikaw yung naaksidente”, sabi ko pagkatapos ay umalis na kami sakay ng bike ko pinaangkas ko muna siya sa likod.

“Kahit naman nagtago ako malalaman padin nila na ako yung naaksidente dahil sa kotse ko”, sabi niya habang nakadukdok sa likod ko.

“Ang mahalaga hindi ka nila nakita doon dahil baka mag viral ka na namam sa social media”, sabi ko at mukang nagduda pa siya sa sinabi ko.

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon