JUNGHOON
Nandito kami ni Cindhie sa rooftop since wala naman makakakita samin dito."Mabuti ka pa nga pag lumantad ka sa mga sasabihin mo lang pwede ka na nilang paniwalaan ipakita mo lang ang mga pictures mo nung bata ka kasama ang mama mo maniniwala na agad si Mr. Lee pero ako ala naman akomg matibay na ibidensiya para mailipat sa kanila ang kasalanan.", sabi ni Cindhie at napangisi lang ako rito.
"Eh bakit sila ano bang matibay na ibidensiya ang ginamit nila para mapasama ka? alam mo marami kang pwedeng maging ibidensiya hindi mo pa nga lang ito nakikita tignan mo ito nakuhanan ko ng video yung mga lalaki na bumaril sa kotse mo pati yung tinatawag nilang boss", sabi ko sa habang pinapapanood sa kaniya ang video.
"Ha? Seryoso kung ganon marami rin pala sila pero di ko sila..."
"Oh bakit", tanong ko ng biglang maputol ang kaniyang sasabihin.
"Yung lalaking ito nakita ko na siya, siya yung nag utos na kidnapin sila Lethizia.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Wala akong kaalam alam sa mga sinasabi ni Cindhie at mas lalo pa akong nagulat ng malaman na kasama pala ron sila Changseo at Sijun pero bakit wala akong kaalam alam maging ang pagkabaril kay Eunho ay nangyari rin pala nung araw na iyon pero bakit ni wala manlang nagsabi sakin?
"Kaya naman pala lagi akong iniiwan nila Sijun may pinagkakaabalahan pala talaga sila nakakaasar lang at hindi nila ako sinabihan."
"Siguro ayaw lang nila na madamay ka pa siyempre nakidnap si Carol at Charlotte kaya obligadong mag alala yung dalawa samantalang sa kaso naman ni Eunho ginawa nila na pang blackmail si Lethizia para mapilitang pumunta si Eunho kahit pa ang totoo ay ligtas na si Lethizia at sa tingin ko wala ka rin namang gagawin kung nandoon ka man.", sabi niya kaya parang naoffend ako.
"Okay fine"
"Pero teka Junghoon pwede bang parinig ulit nung video papakinggan ko ulit yung boses nung lalaki", sabi ni Cindhie kaya agad ko namang ibinigay ang phone ko.
"Sinasabi ko na nga ba narinig ko na itong boses na ito dati pa ganitong ganito yung boses nung lalaking kausap ni Mrs. Choi at halata rin sa boses nung lalaking iyon na foreigner siya at tinatawag pa nga ni Mrs. Choi na darling ang lalaking ito."
"Kung ganon ano ang narinig mo noon sa usapan nila?"
"Hindi ko na masyadong madetalye pero narinig ko na may pinaplano sila sakin at gusto nilang maagaw sakin ang posisyon kaya noon palang sa tuwing may mangyayari sakin di na maalis alis sa isip ko na sila ang unang paghinalaan maski yung nangyari sakin sa graduation day alam kong pakana ni Mrs. Choi yon."
"Kung ganon sapat na yan sa ngayon pero maghahanap pa tayo ng dagdag na impormasyon para masiguradong madadamay ang tita mo dahil sa tingin ko siya talaga ang may plano ng lahat."
"Pero anong gusto mong gawin ko sa paanong paraan naman ako makakakuha ng ibidensiya."
"Okay since hindi ka pa pwedeng bumalik sa inyo kailangan may makausap ka kahit isang taong mapapagkatiwalaan mo sa loob ng bahay niyo."
"Teka oo may kilala ako si lola Sally at mapagkakatiwalaan ko siya dahil alam din niya ang kasamaan ni Mrs. Choi."
"Ayos yan kailangan niyong magkita para makagawa kayo ng plano."
CINDHIE
Tinawagan ko agad si lola Sally mabuti na lang at memorize ko ang cell number niya hindi naman nabigo dahil sinagot niya ang tawag at sinabing agad agad daw ay pupunta siya kaya hinintay ko na siya rito.Maya maya pa ay naaninag ko na siya at nakita narin niya ko at bakas na bakas sa mga mukha niya ang saya na makita ko at kitang kita ko rin ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Who's The Young Boss? [COMPLETED]
FanfictionLife is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identities their lives will suddenly change in an instant. Sa pagkukrus ng landas ng limang lalaki at ng ap...