Chapter 35

6 2 0
                                    

CHANGSEO
Nandito na kami sa room ng 3rd year college at gaya ng inaasahan mukang sobrang nakakatakot itong ginawa nila ang ibang grade 12 ay napapasigaw at iyak na sa takot di ko tuloy maiwasan na mapatingin kay Carol alam ko parin kung nasaan siya dahil buhat nung pumasok kami halos siya na lang ang tignan ko baka kasi mamaya natatakot na rin siya pero sa ngayon naman mukang okay pa siya.

Nagsigawan ang iba ng bigla na lang daw may humitak sa mga paa nila kaya agad akong lumingon kay Carol na saktong hinihila na rin at nagulat ako ng makitang na out balance si Carol at ngayon ay matutumba na siya kaya agad ko siyang tinakbo para sapuhin.

"Hey okay ka lang?". Tanong ko sa kaniya habang magkatitigan parin kami at sapo sapo ko siya.

"Ahh siyempre naman okay lang ako salamat sayo haha". Sabi niya sabay tayo at pagkatapos non ay sinamahan ko na siya sa paglakad sa loob at magkasabay naming iniwasan ang mga kamay na humihila ng paa sa ibaba para tuloy kaming bata na tawa pa ng tawa habang ang iba ay napapraning na sa kakasigaw, hindi ko rin alam pero pag nakikita kong tumatawa at ngumingiti si Carol ay napapasaya na rin ako.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CHARLOTTE
"Hey sorry please don't cry I didn't mean it" sabi ko sa grade 7 student na ngayon ay umiiyak parin.

"Nako lagot ka Charlotte ikaw kasi eh nakakatakot pagmumuka mo hahaha"

"Nako baka nga sayo noh nakita kase si Chuckie kaya umiyak"

"Naku ikaw nga diyan eh kay puti puti na mukha".

After ko makapagpaiyak ng student ay hindi na rin nanakot pa nadala na rin kasi ako baka mamaya isumbong pa ako sa nanay niya.

"Huyy bat tulala ka diyan". Sabi ni Sijun

"Ayy! Eh kasi ba naman eh baka mamaya isumbong pa ko nung bata".

"Hahaha masyado ka naman kinakabahan susugurin ka lang naman nila sa bahay niyo".

"Luhh talaga?"

"Oo ah ganon dito sa Korea lalo na at bata pa yon".

"Halaa Sjiun naman eh panong gagawin ko niyan?" Sabi ko sabay yugyog sa kaniya.

"Aray ko nahihilo na ako siyempre joke lang hahaha naniwala ka naman".

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka bumalik sa tinataguan ko hyss para sakin ang boring talaga neto.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CINDHIE
Hyss di ko talaga makakalimutan yung tinakot ko kanina mas nagulat pa ako hindi naman nakakatakot e nakakagulat lang.

Pumasok na kami ngayon sa loob at muka talagang nakakatakot ang room nila, katabi ko lang si Junghoon at sa sobrang tangkad niya halos di ko na rin naman makita ang nasa gilid ko.

"Junghoon alam mo ang ganda nung coat mo hehe kitang kita ko nga eh".

"Sorry Cindhie hinaharangan ko lang yung mga nanghihila sa gilid".

"Ahh hehe".  Sabi ko na lang pero sa totoo lang ang boring naman kung wala akong ibang makikita kundi yung coat ni Junghoon na nakakubli samin.

Maya maya pa ay tinanggal na rin ni Junghoon ang coat at bigla naman akong may namukaan na pamilyar naka pang witch na costume siya pero halatang halata parin na siya si Dona at teka, sabi ko na nga ba eh kaya pala di siya nagpapalit ng tinatakot si Yeonsuk na naman pala ang inaasikaso niya hmm bagay talaga sila isang devil saka isang witch.

Di ko namalayan na huminto pala ako sa paglalakad naramdaman ko lang na nagtutulakan na pala ang mga classmates namin palabas ng room bigla na ring nawala sa tabi ko si Junghoon pero.. ano kaya ang dahilan kung bakit sila tumatakbo?.

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon