CINDHIE
Ramdam kong nakabitaw na ako at malapit ko na rin makasama sila mama ng biglang may tumawag sa aking pangalan at tila ba hindi na ako nakaabante palapit sa aking mga magulang, alam kong nakabitaw na ako pero tila hindi ako nahuhulog...
“Cindhie!!!”
Biglang namulat ang mata ko ng maulinigan ang mga boses na narinig at nakita ko ang mga kamay na nakahawak sa akin at hindi ako nalalag nandito parin ako iniligtas nila ako.
Dahan dahan nila akong hinila at inalalayan pababa si Changseo at Sijun lamang ang nakalapit sakin dahil hindi ligtas ang ibang tuntungan at nang makababa na ako ay nakita ko sina Carol, Lethizia at Charlotte sa may di kalayuan at agad din naman silang lumapit sakin.
“Hoy Cindhie ano bang pumasok sa isip mo ha?!”, Galit na sabi ni Lethizia.
“Cindhie mabuti na lang at nakaabot kami kung hindi nabawasan pa kami ng isang kaibigan”, sunod na sabi ni Carol na mukang galit din.
“Alam mo Cindhie ako duwag din ako minsang harapin ang reyalidad pero kahit ganon pinipilit kong labanan ayoko pang mamatay dahil may mga kaibigan pa ko gusto ko pa magkapamilya at tumanda noh”, Sabi ni Charlotte.
“Hyss di naman kasi sadya yon eh di ko din alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko namalayan ko na lang na papalapit na ako sa bingit na yan”
“Cindhie problema lang yan malalampasan din at saka naniniwala kami na wala kayong ginagawang masama at gusto niyo lang protektahan ang company niyo”
“Sana nga Sijun sana lumabas na din yung katotohanan”
“Kung hindi man lalabas ang katotohanan tayo mismo ang maglalabas non”, seryosong sabi ni Changseo.
“O tara na papadilim na guys”, sabi ni Carol.
Tatayo na sana ako ng biglang manakit ang tuhod ko kaya bumagsak ako.
“Awww”
“Oh Cindhie anong nangyari?”
“Ang sakit kasi ng tuhod ko eh pati yung ulo ko sumasakit na rin”
“Halaa Cindhie ang laki ng gasgas mo sa tuhod at sa braso hyss laking scars niyan shit!”
“Shit Lethizia wag mo na ipaalala ang scars alam niyo naman na ingat na ingat ako sa skin ko!!”
“Hyss dalian na natin ikaw Sijun di ba marunong ka naman gumamot ng ganito?”, sabi ni Changseo.
“Ahh yes, oo naman ako na ang gagamot wag mo na muna idikit kung saan open wound pa yan at bleeding pa rin baka ma infection pa yan”, concern na sabi ni Sijun.
“Salamat guys pero teka paano niyo pala ako nahanap?”
Nagkatingin tinginan muna sila bago sumagot.
“Ahh Cindhie ang totoo kasi ako ang...unang nakaalam”, nauutal na sabi ni Carol.
“Kase sa tuwing magkakasama sama tayo lagi kong ini oopen ang mga gps ng phone ng bawat isa satin gusto ko kasi nalalaman ko kung saan kayo nagpupupunta hehe”
“What?! Kaya pala everytime na bubuksan ko yung phone ko madalas napapansin kong bukas ang gps ko”.
“Nako Cindhie muntik pa nga kami lalong di umabot ng malaman namin yan kanina eh”, inis na sabi ni Lethizia.
“Eh ano naman atleast mapapakinabangan for emergencies kaya Cindhie pasalamat ka sakin niligtas ko buhay mo”
“Huh? Kailangan pa ba talaga dapat ba akong maging masaya na nakaligtas pa ko?”
BINABASA MO ANG
Who's The Young Boss? [COMPLETED]
FanfictionLife is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identities their lives will suddenly change in an instant. Sa pagkukrus ng landas ng limang lalaki at ng ap...
![Who's The Young Boss? [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222425276-64-k533961.jpg)