Chapter 26

18 2 0
                                    

JUNGHOON
Gusto ko ng bisitahin si Cindhie may malay na kaya siya? Madamag akong walang tulog ni hindi ko nga naisipang pumunta sa kuwarto narito lang ako sa maliit na balcony ng bahay at nakatanaw sa labas.

Hindi na ako makapag hintay gusto ko na siyang dalawin. Nagmadali na akong pumunta sa kuwarto para gisingin ang dalawa nagising naman agad si Sijun.

"Hey samahan niyo na ako pumunta na tayo ron!"

"Oh teka chat ko muna si Carol kung ano nang balita"

Kinuha na ni Sijun ang phone niya nagta-type palang siya pero nakaabang na ako agad dahil di na ako makapaghintay.

Nasend na yung message at agad naman itong nakita ni Carol at makalipas ang ilang segundo ay nakapag reply na rin siya, nakita ko agad ito at laking gulat ko ng mabasa ang chat nakauwi na raw sila ngayon dahil may malay na raw si Cindhie at malakas lakas na sa bahay raw muna siya ni Carol nakituloy.

Agad naman akong napangiti dahil don nabawasan ang iniintindi ko..
"Junghoon di na pala natin kailangang pumunta ng ospital eh pero ano kaya kung pumunta tayo kila Carol? Ayaw mo yon nandoon din si Cindhie"

"Tsskk as if namang alam mo yung bahay nila noh". Sabi ni Changseo na kakabangon lang.

"Of course naman ako pa ba? Kaya nga matagal na matagal na akong atat pumunta ron eh"

"Pero teka itatanong ko muna kay Carol kung pwede"

"Sus gusto mo lang makachat eh padiskarte karin eh".

"Oh! Pumayag siya kaso di raw pwede ngayon bukas na lang daw ng umaga"

"Ahhh baka magpapahinga pa sila saka mag gagabi na rin kasi pero kayo kagigising niyo lang haha"

"Eh kesa naman sayo you looks like a bat ni di ka manlang natutulog!"

"May insomnia na yata ako" sabi ko.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CINDHIE
Gabi na at inaantok na ako pero ayaw pa akong patulugin nila Carol pati si Lethizia nandito rin naisipan na dito narin muna matulog dahil may sasabihin daw sila sakin.

"Carol ano ba kasi yung sasabihin niyo sakin para naman makatulog na ako".

"Cindhie wait baka pag sinabi namin ito sayo di ka na makatulog". Sabi ni Lethizia.

"Talaga lang ha? Bakit ano ba yon?
Mas malala pa ba yan sa nangyari samin ni Sewon?"

"Oo Cindhie dahil tungkol ito sa tita mo kay Mrs. Choi"

"Bakit anong nangyari sa kaniya?"

"Hindi anong nangyari kundi anong ginawa niya" pagtatama ni Charlotte

"Cindhie kase bago pa man mai-play yung video natin meron pa dapat isang video na mauunang i-play bago yon"

"Heto dire-diretsiyo ko ng ipapaliwanag ha kaya makinig ka"

"Nung palihim kaming nagpunta sa mga nag aayos ng screen iniabot namin yung usb namin at ipinalapag iyon ng lalaki sa isang mesa pero after kong ilapag non nakakita pa ako ng isang usb at alam ko na wala akong karapatang paki alaman yon pero para talagang may pumipilit sa akin ba gawin iyon kaya agad ko na itong pinabuksan kay Lethizia pero alam mo mas madali sana kung ipapa-panood na lang namin sayo eh kaso binura na namin yung video.

"Wait I still have it on my phone"

Iniabot ni Lethizia ang phone niya at agad ko naman iyong kinuha.

"Pero akala ko binura mo na"

"Then you should thank me kasi kung hindi ako pasaway baka nga nasunod ko na yung sinabi mo na burahin na lang yan buti na lang at naisipan kong i transfer sa phone ko bago ko pa man mabura"

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon