CHARLOTTE
Hyss ang boring may pasok na naman ano ba namang Christmas break yan parang 2 hours lang. Nakagayak na ako at ready na rin pumasok nakita ko naman si Carol na kakalabas lang ng room at nakagayak na rin kaya agad narin kaming umalis at sumakay sa service namin.Makalipas ang ilang minuto nakarating narin kami ng school sakto namang pagbaba namin ay may nakita akong pamilyar na lalaki na bumaba sa kotse na kasabay lang ng kotse namin na huminto kahit pa nakatalikod sila ay nakikilala ko na sila agad.
"Hey! Nandito na pala kayo". Sigaw ni Sijun matapos kaming makita.
Nakita ko naman si Changseo na masayang lumapit kay Carol at sinabayan siyang maglakad kaya inaya na rin naman ako ni Sijun na sumabay sa kanila.
"Ang bilis ng araw noh parang nung isang araw lang tayo pumasok tapos may pasok na naman tayo ngayon haha".
"Oo nga Sijun eh nakakatamad na nga pumasok ang boring sa school". Sabi ko pero hanggang ngayon di pa rin naaalis ang tingin ko kay Carol at Changseo na mukang close na close na talaga.
"Hey!"
"Oh bakit nakakagulat ka naman"
"Okay ka lang? Nakatulala ka eh"
"Ahh okay naman...okay lang may iniisip lang ako"
"Okay pero if you have a problem pwede mo sabihin sakin".
Nakarating na rin kami sa room namin ni Sijun at naupo na kami agad at nagkuwentuhan.
"Siya nga pala Sijun kamusta naman pala yung new life niyo ngayon di ba kayo nahihirapan kasi paniguradong ihahanda na rin kayo para sa mga business business na yan".
"Ahh alam mo dati nung nakita pa lang namin sa balita na ipinakilala si Lee Yeonsuk na magiging CEO balang araw ng company nila inggit na inggit talaga kami non saka namin iniimagine kung ano kaya ang feeling ng ganon pero sa isang iglap parang nagbago ang ihip ng hangin at ganito na kami ngayon dati naglalakad lang kami papasok saka nagsa sideline sa mall ngayon hatid sundo na kami ng kotse saka kami pa ang namamahala sa mall na pinagtrabahuhan namin kaya nga yung mga co workers namin dati na apura pa ang utos samin napanganga na lang ngayon dahil di nila akalain na kami na ang boss nila ngayon hahah".
"Hahah dapat sa mga yon sinasampolan eh, teka ito nga pala talaga ang itatanong ko sayo bakit nga pala hindi niyo yata kasama si Junghoon kanina? Di ba siya sumasabay sa service niyo?"
"Ahh si Junghoon ba? Yep mas makasanayan na rin daw niya kasi magbike saka di na rin siya gaanong nagkikikibo pag kasama kami eh malaki ang pinagbago niya ngayon".
"Hyss sabagay nakakatakot na nga siya eh sana naman maging okay na siya kahit pa mediyo galit parin ako don dahil sa ginawa niya kay Cindhie pero inisip ko na lang na may malalim siyang dahilan kasi kung si Cindhie nga nagawang intindihin siya diba?"
"Ganon na nga lang din ang ginagawa namin".
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
CINDHIE
Nagdidiscuss ang teacher namin about sa nobel prize hindi ako gaanong mahilig rito pero interesting rin naman napansin ko rin na mukang ganadong ganado si Yeonsuk sa topic na ito halos siya na lang kasi ang sumasagot eh napansin ko rin naman si Junghoon na kanina pa nakatulala habang pinapaikot sa daliri ang hawak na ballpen."Okay how about the first nobel prize winner from India?"
"Oh Yeonsuk again? Feels like I just have one student here".
"Okay Yeonsuk I will call you for the last time".
"It's no other than Rabindranath Tagore". Confident na sagot ni Yeonsuk.
![](https://img.wattpad.com/cover/222425276-288-k533961.jpg)
BINABASA MO ANG
Who's The Young Boss? [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLife is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identities their lives will suddenly change in an instant. Sa pagkukrus ng landas ng limang lalaki at ng ap...