Chapter 43

37 2 0
                                        

CHANGSEO
"Charlotte sandali lang!", humihingal kong sigaw dahil sa kakatakbo mediyo nakakalayo na rin kasi siya napansin ko naman ang paghinto ng mga paa niya sa paglalakad mula sa ibaba.

"Bakit sumunod ka pa? ano na naman bang masasakit na salita ang matatanggap ko sayo?", seryoso niyang sabi pero hindi parin humaharap sakin.

"I'm sorry kung hindi man naging maganda ang pakikitungo ko sayo, pasensiya ka na kung lagi na lang kitang napag iinitan".

"Yan lang ba ang sasabihin mo? akala mo ba ganon lang kadali iyon? akala mo ba wala akong damdamin? tapos pakiramdam ko pa hindi mo ako lagi nakikita puro na lang si Carol si Carol", sabi niya habang humahagulgol.

"Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kung bakit naging ganon ako sayo?", bigla siyang humarap pagkatapos kong magsalita.

"Oo ano ba talaga yon ha? ano bang meron sakin kaya ayaw mo sakin?"

"Lahat"

"Ano?"

"Oo lahat ng nakikita ko sayo ayaw ko pakiramdam ko kasi may ginagaya ka or something. Sa tuwing nakikita kasi kita parang pinapaalala lang sakin yung babae na gusto ko nang kalimutan yung kaisa isang babae na nagustuhan ko di ko maintindihan bakit nahahawig ka sa kaniya? Yung buhok mo kamukang kamuka ng sa kaniya pati nga yang kilos mo pati yung pagtawa mo, kaya nga ayoko rin na nakikita kang tumatawa naaasar ako", sunod sunod kong sabi ng di namamalayang naluluha na rin pala ako.

"Si Seohyeon ba ang tinutukoy mo?"

"Paano mong nalaman ang pangalan niya?"

"Di na mahalaga yon pero kung ganon talaga palang nung una pa lang ayaw mo na sakin...pero bakit tinulungan mo pa ko nung unang beses tayong nagkita non sa park bakit tinulungan mo pa kong mag ayos ng mga natapon na juice bakit nung mga time na yon napakabait mo sakin?, O sadyang naalala mo lang sakin si Seohyeon? at ngayon na gusto mo na siyang kalimutan ganon na rin ang gagawin mo sakin? Sabihin mo kaya ka lang ba nakipag kaibigan sakin nung time na yon ha?", hindi na ako makapagsalita pa dahil sa sunod sunod niyang tanong ayoko pang madaliin ang lahat ayoko pang magpadalos dalos..

"Kinaibigan kita non dahil gusto ko oo kasalanan ko na lagi kitang nasasaktan kaya sana patawarin mo ako at maging magkaibigan parin tayo".

"Talaga bang kaibigan lang ang turing mo sakin?", sabi niya habang nakatitig sa akin at pinipigilan ang nga luha sa pagtulo, tumango lang muna ako at pagkatapos ay pinakawalan na rin ang aking sagot.

"Oo tama ka kaya sana bumalik ka na lang sa dating Charlotte at ganon din ako".

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at bumalik na ulit sinabihan ko na lang si Sijun na mauuna na akong umuwi.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
LETHIZIA
"Akin na nga yan nakakarami ka na ng nakakain eh halos ala nang matira sakin", inis na sabi ni Cindhie habang inaagaw ang junkfoods na hawak ko.

"Edi mag bukas ka na lang diyan ang dami dami pa eh"

"Ano ka ba hoy pang mamayang alas kwatro pa yon sabi ko sayo bumili tayong beer eh".

"Hyss eh kung pwede lang talaga sakin eh ang bata bata ko pa para mag beer".

"Hyss ilan pa ba ang pwede natin mapanood ang bilis naman matapos ng isang movie pang sampo na ata yan ah".

"Tangek pang labing tatlo palang yan".

"Aba sinong tangek ha? siya na iniiwasan ka o ikaw na nakakamiss sa kaniya? Hahaha"

"Alam mo dapat talaga di na kita pinatuloy dito sa bahay eh badtrip ka eh".

"Hahaha wag ka mag alala di ka naman nag-iisa nagkakasundo tayo ngayon hahaha".

Who's The Young Boss? [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon