Siete

8.8K 181 15
                                    

Hers

Maliliit ang hakbang kong sumunod kay Zach papunta sa kanyang sasakyan. Nanghihinayang pa din sa pagtanggi kay Marcus, mas inisip ko na lang ang sinabi ni Zach.

"You don't have class tomorrow right?"

Umiiling na lang ako bilang sagot. I buckled my seatbelt and put my bag on my lap.

"So you like him?"

"Uh.."

"Ang pangit ng taste mo. Pwe."

"Zach!" saway ko ngunit tumawa lang siya.

The engined roared and we're now on our way to my apartment.

"You know what falaks, you have to ask me first."

"Ang ano?"

"Kung yayain ka ulit, o kung ano pa. Ask me first."

"W-why?"

"Dahil alam ko. As I've said guys don't like girls who are easy." he uttered.

Doon naman ako napatingin sa kanya. Naalala ko bigla ang madali kong pagpayag kay Marcus... I hope he doesn't think that I'm easy. Would it turn him off?

"Then...you're like my mentor?" tanong ko.

Zach chuckled. "Yes. Yes. Of course. I'll help you."

"Talaga?"

"Yes. We're friends.....so you can count on me." he whispered.

I smiled. "Salamat."

Hindi ko na sinabi kay Zach na pupunta ako sa palengke para bumili ng mga kailangan ko para sa mga order ng katrabauhan ni Dione para bukas.

Agad naman akong nagtaka nang makita siya sa tapat ng apartment namin.

"Tami!"

She looked like she'll cry any second from now.

"Nabili ko na lahat ng kailangan mo para bukas. Nakita ko kasi ang listaan mo kaya ako na ang bumili kanina."

"Naku, salamat. Babayaran ko na lang ma--"

"Nagpahabol kasi ng order na bbq eh wala tayong paggrill dito!" natataranta niyang sambit.

I bit my lip and slightly massaged my head. Paano na ito ngayon?

"Tapos lalabas pa ako mamaya kaya hindi kita matutulungan." malungkot niyang saad.

Hindi namn problema sa akin kapag mag-isa akong magluto pero yung bbq talaga ang problema ko.

"Nakabili na din ako ng karne para sa bbq. Pasensya talaga, Tami." sambit niya at parang paiyak na din.

"O-okay lang, gawan ko ng paraan." sagot ko. I assured Dione because she really looked so problematic.

Mabuti na lang at lunch naman kaya makakapagluto ako bukas. Pero yung bbq kasi kailangang mamarinate tapos matagal ang maggrill. Tapos yung macaroni pa pala! Hindi magkakasya sa ref namin ang lahat!

Napatingin naman ako sa sasakyan ni Zach na nandoon pa din. Nang inilibot ko ang tingin ay nakikipagwentuhan na siya kay aling Tesi na may-ari ng sari sari store.

"Weh? 55 niyo na po? Parang hindi!"

"Talaga iho?"

"Baby face, mapagkamalan po kayong 3 years old."

"Palabiro ka talaga bata ka!"

"Sali po kayo sa bet on your baby." natatawa pang sambit ni Zach.

Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon