Hers
Nanginginig ang kamay ko habang patakbong tinahak ng daan papasok sa apartment.
Naglikha nang matinis na tunog ang takong ko at mas kinabahan lang dahil sa sobrang tahimik ng apartment.
Kahit kinakabahan ay binuksan ko ang pinto at pumasok. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dione na impit na umiiyak habang nakasabunot si Lorenzo sa kanya.
"Dione!" nag-aalala kong sambit at agad siyang dinaluhan ngunit sumalubong sa akin ang malutong na sampal galing kay Lorenzo. Rason kung bakit agad akong napatumba.
Halos mabiyak ang puso ko nang makita ang lagay ni Dione. Halos punit punit ang damit, puno din ng pasa at galos ang kanyang katawan at pumayat nang husto.
"Mabuti at dumating ka na, Tami. Sobrang arte ni Dione!" Ani Lorenzo at humalakhak pa.
Gumapang si Dione papunta sa akin pero agad siyang sinipa ni Lorenzo.
Gamit ang lakas, tumayo ako at agad na yinakap si Dione. Kaya ako ang nakasalo sa lahat nang mabibigat at masasakit na sipa ni Lorenzo.
"Tama na!" sigaw ko at mas yinakap si Dione. Napaiyak na din ako dahil sa sobrang sakit.
"T-tami...." umiiyak na sambit ni Dione.
Lorenzo stopped kicking and that's only the time that I felt relieved. He sat in the couch as he looked at us with those evil eyes.
Mas nanlaki ang mata ko nang makita ang kutsilyo na nasa tabi niya.
Kinuha niya iyon at linaro pa habang nakangising nakatingin sa amin, agad akong kinilabutan sa maari niyang gawin.
"Dione....halika dito." mapanuyang sambit ni Lorenzo.
Kahit humihikbi ay bumitaw si Dione sa pagkakayakap ko at umaktong gagapang pero agad kong napigilan.
"Ano ba?!" galit kong sigaw kay Lorenzo at pinigilan ang kaibigan.
He grinned and laughed.
"Kung ganoon, ikaw ang papalit kay Dione?"
"Ano?"
Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya at lumapit sa amin. Walang awa niyang sinabunutan si Dione at akmang papatayuin pero masyado nang mahina ang kaibigan para doon.
"Tayo!" sigaw niya at hinila ulit si Dione.
Impit na umungol ang kaibigan dahil sa sakit. Sobrang kahabag habag ang kanyang itsura kaya mas lalo lang akong nasaktan.
"Tama na!" angal ko at tumayo para pigilan si Lorenzo. Halos manigas ko sa kinatatayuan nang itinutok niya ang kutsilyo sa akin.
"Ano bang pakealam mo?" galit niyang sambit at sinipa ulit si Dione, dahilan kung bakit napatumba siya at napalayo nang kaunti.
"Hubad!"
My vision started to be blurry when Lorenzo demanded Dione to get naked. My tears pooled knowing that I can't to anything.
My lips trembled when Lorenzo threatened me as he put the knife near my neck... One wrong move...and I'm done.
"P-please.....let us go." I whispered.
But his evil laugh echoed....and I hated it. So much.
"Dione, ano na? Hubad o tigok itong kaibigan mo?" sambit pa niya.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakatanaw kay Dione na nasa sahig...pilit na tinatanggal ang saplot sa kanyang katawan.
Gusto kong sumigaw nang makita ang dami ng pasa sa kanyang balikat. Maging ang dibdib niya ay napuno ng pasa at halos mangitim na.
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
RomanceHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...