Hers
Bitbit ang mga pinamili namin ni lola sa palengke, mas dinamihan pa namin ang binili. Nang makita ang kangkong sa tabi ay naalala ko nanaman sila ni uncle Jokno.
Gaya nga ng inaasahan wala na ang signal ng bagyo dito sa amin. Naiwan naman si Zach sa bahay at kasama si uncle Jokno na nagpakain ng mga baboy at manok.
"Apo, gustong gusto ko talaga ang batang iyon para sayo." sambit ni lola at kumuha ng kamatis.
"Isang kilong kamatis, sibuyas at bawang iha." sambit niya at bumili ng mga gustong kunin at ikinilo.
Pagkatapos ay naglakad na kami palabas dahil okay na lahat ng binili namin.
"Naguguluhan pa ako lola."
"Bakit apo?" sambit niya at yinaya akong bumili ng buko. May nagtitinda kasi ng buko juice sa tabi, yung tigsingko kung maliit at sampo naman kung malaki.
"Ang alam ko po kasi may gusto akong iba. Pero parang naguguluhan na ako sa sariling nararamdaman la." sagot ko at uminom ng buko.
Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko.
"Palagi mong pipiliin ang maging masaya, apo." she smiled and slightly brushed my cheeks.
"Kaya....piliin mo kung sino sa kanila ka masaya." she added.
Kaya naman kahit maalog ang tricycle na sinakyan namin, hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni lola. Kanino ako masaya? Kung sino ba ang nagpapasaya sa akin?
Dumaan ang isang tao sa isip ko na agad kong pinigilan ang sarili.
"Tami! Mabuti at dumating na kayo!" humahangos na sambit ni Sara at parang sobrang problemado pang napahawak sa kanyang sariling noo.
"Bakit?"
She stomped her feet and close her fist. "Yung manliligaw mo!"
"Ha?"
"Aba! Sinama ni Jokno sa sabungan!"
Agad na nalaglag ang panga ko sa narinig. Napaawang din ang bibig ko sa sobrang gulat.
"A-ano?"
"Sabi kasi sayo huwag mong hahayaan si Zach na kasama si Jokno!" pangangaral naman ni Sara. Hinila na niya ako para pumunta mismo sa sabungan.
Malayo palang ay rinig ko na ang hiyawan at sigawan ng mga matatandang lalaki.
They formed into a big circle...but however noisy they are, I can still hear Zach's cheers and yells. Kaya naman hindi mahirap na hanapin siya dahil may pagkaskandaloso siyang tao.
"Sakmalin mo!"
Sa kabilang banda ay ang nagkumpulan na babae at animo'y kinikilig habang nakatingin kay Zach.
"Tanginang Jokno yan, kahit kailan talaga malas!" nabwibwisit na sambit ni Sara.
Nang naghiyawan ang mga tao ay palatandaan na natapos na ang iyon. Mas nanlaki ang mata ko nang makitang may isang babaeng lumapit kay Zach.
Bitbit na ngayon ni Zach ang manok at hinaplos haplos pa niya. Minasahe pa ni uncle Jokno ang likod ni Zach na tila ba proud na proud.
Akmang susugod na si Sara nang pigilan ko siya. Napalunok ako agad nang mas nakalapit pa ang babae at inaantay si Zach na tumingin sa kanya.
"Ano? Hahayaan mong lapitan ng mga haliparot ang manliligaw mo?!"
Napakagat ako ng labi at umiiling na nakiusap kay Sara. Hindi naman sa ganun...pero ano bang karapatan ko? At bakit ko naman siya ipagdadamot? Hindi....ba dapat ipagdamot ko lang siya kapag akin na?
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
Storie d'amoreHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...