Hers
"Tamtam, mag-isa lang ata si Jokno sa bahay nila ngayon."
"Please lola, sumasakit ang ulo ko sa matandang binatang iyon!" reklamo ni Sara nang kumakain na kami ng tanghalian.
"Bakit naman po mag-isa?" usisa ko naman at sumubo ng kanina.
"Nag-away ata silang magkapatid. Kaya umalis si Mareng Nena."
Umiling na lang ako at bahagyang natawa. Kasi talagang ganito silang magkapatid noon pa man. Aalis si auntie Nena tapos babalik din naman. Kumbaga magapalamig pero babalik at babalik.
"Bigyan mo siya ng pagkain mamaya. May mga tupperware ako diyan, pero kunin mo agad ha." bilin ni lola habang kumakain pa kami.
Tahimik lang naman si Zach na kumakain pero ramdam ko ang pagtatanong sa kanyang mata.
"La! Alam mo namang napakalandi ni Jokno!"
Natawa si lola at pati ako. Gusto kasi ni uncle Jokno si Sara, kaya nang tumira si Sara dito ay halos palagi siyang binibisita ni uncle Jokno.
"Kaya nga si Tamtam ang pupunta, Sara. Mabait naman si Jokno ah."
Natawa na lang kami maliban kay Zach na kanina pa nagtataka kung ano ang pinag-uusapan namin.
"Magpasama ka na lang sa manliligaw mo." mapang-asar na sambit ni lola at bahagyang tinulak pa ako.
Natatawa kaming lumabas ni Zach ng bahay at dumiretso sa sementadong bahay ng aming kabitbahay.
"Uncle Jokno! Tao po!"
Holding the beloved tupperware of my lola, Zach remained silent behind my back.
"Sino ba si Jokno na yan?"
"Ipapakilala kita mamaya." sambit ko naman.
Lumabas ang lalaking nasa edad na singkwenta, suot ang malaking t-shirt at jersey na shorts. Nanlalaki ang matang tumingin sa akin.
"Hami ngumahing ha na hala!"
Ngumiti ako at binigay sa kanya ang tupperware.
"Ilagay mo na yan sa ibang lalagyan, aantayin ko ang tupperware ni lola."
Tumango siya at ngumiti din. "Hige, hige."
Payat si uncle Jokno, may balbas din at palaging nakasumbrero. Nagpapataya din siya ng weteng at mahilig sa sugal.
Ngongo si uncle Jokno pero kahit ganoon hindi namin siya trinato na mas mababa siya kaysa sa amin. Hindi naman madalas pagtawanan ang kalagayan niya dahil alam niya sumabay. At kung iniisip mong mabubully mo siya. Hay nako, baka siya pa ang magpaiyak sayo. Siya din kasi ang malakas mambola at mang-asar.
"Ngwapo yang hasama mo ha." sambit ni uncle Jokno nang makalabas na. Ibinigay niya na din ang tupperware at malisyoso niya kong tinignan.
"Moypren mo?"
Natatawa akong umiling at ipinakilala si Zach. Ilang sandali pa ay agad na nagkasabayan ang dalawa.
Zach is really flexible. He can converse to anyone. He's so friendly and funny.
"Mas nguwapo aho."
"Nakakahiyang tumabi sayo, ang gwapo mo uncle."
"Halam ngo, hobyus haman oh."
Natawa si Zach at nakipag apir pa kay uncle Jokno bago kami umalis. Natatawa siyang umiiling at parang sayang saya.
Kagabihan ay si Zach pa ang nagimbita kay uncle Jokno na makikain sa amin. Busangot naman ang mukha ni Sara at masama ang tingin sa matandang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/224077000-288-k955043.jpg)
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
RomanceHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...