Trece

7.9K 196 19
                                    

Hers

Pigil ang hinga kong pumasok sa kwarto ni lola. Halos batukan ko ang sarili dahil nga sa sinabi! Nahihibang na ba ako? Why did I?...

I can't take this!

Dulot nga ng pagod sa byahe, agad naman akong nakatulog at nagising na sa bandang ala una ng hapon.

Agad kong pinuntahan si Zach sa kwarto pero wala na siya roon. Laking gulat ko na lang nang pati si lola ay wala din. Si Sara lang ang natira na ngayon ay nanonood ng TV.

"Asan--"

"Bebe mo? Namalengke kasama si lola." sagot niya at hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Ilang sandali pa ay narinig namin ang mumunting tawanan. Kasabay iyon ay ang pang-aasar ni Zach kay lola.

Napatingin naman ako sa news at inaasahan ang bagyo mamayang madaling araw.

Signal number 1 kami pero hindi matanggal ang takot sa dibdib ko. Lalo na't hindi ganoon katibay ang bahay namin.

"Tamtam, binilhan ka ni Zach ng paborito mong kakanin."

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata namin.

The usual playful grin was painted in his face. Bakit parang ako lang nanaman ang apektado?

"S-Salamat..."

Kinindatan niya ako bago sumama kay lola papunta sa kusina. Naririnig ko pa ang ingay nila.

"Tamtam, pakainin mo na yung mga baboy at manok." bilin ni lola mula sa kusina.

Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng pawad na damit. Nag t-shirt lang ako at leggings.

Lumabas na din ako para kumuha ng mga timba at feeds.

Nagsuot din ako ng botas dahil syempre kailangang linisin yun, dahil paniguradong may mga tae ang mga baboy.

Hindi naman ganoon karami ang baboy namin. Isang inahin at sa may apat na piglets.

Halos malaglag ng panga ko nang makita si Zach na nakasando lang at simpleng short....hindi lang iyon, naka beachwalk pa na tsinelas!

"Tulungan na kita." nakangising sambit niya.

"Ha? H-Huwag na!"

He smirked and looked so stubborn.

Next thing happened, Zach fired countless of questions.

"Bakit ang dami?! Tsaka ano yang parang powder na yan?"

Hindi ko na lang siya pinansin at ihinalo ng feeds gamit ang kamay.

"Ako din!"

Hindi ko na siya napigilan at isinawsaw na ang kanyang dalawang kamay at hinalo ang feeds sa timba.

"Ang lambot, nakakakiliti!" natatawa niyang sambit kaya natawa lang din ako dahil manghang mangha siya.

"Tami, anong lasa nito?"

"Hindi ko alam."

"Gusto mo itry?"

"Hindi."

"KJ."

Sinong matinong tao ang gustong kakain ng feeds na ipapakain sa baboy? Pinapasakit niya nanaman ang ulo ko.

"Okay na yan. Hugasan mo na ang kamay mo."

"Opo mommy." asar niyang sambit at nagboses bata.

Kagat labi akong nagpipigil ng tawa habang pinanuod siyang naghuhugas ng kamay sa balde.

Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon